^

PSN Opinyon

Editoryal - Kung walang kasalanan bakit nagtatago?

-

NOONG Biyernes ay banner story ng Pilipino Star NGAYON ang tungkol kay Sen. Panfilo Lacson. “Over my dead body” sabi umano ni Lacson. Ito ay may kaugnayan sa ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) na arestuhin na ang Senador. Nagpatong na rin ang DOJ ng P2-milyon para sa kanyang ikadarakip. Pero sabi umano ni Lacson, hindi raw siya pahuhuli nang buhay at mas matatamisin pang mamatay nang may dignidad kaysa sumuko o magdusa nang walang kasalanan.

Si Lacson ang itinuturong ‘‘utak’’ sa pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at drayber na si Emmanuel Corbito. Si Dacer at Corbito ay hinarang umano ng mga armadong kalalakihan sa boundary ng Makati at Maynila noong Nobyembre 2000 habang patungo ang mga ito sa opisina sa Manila Hotel. Makalipas ang ilang araw, natagpuan ang sasakyan ni Dacer sa isang bangin sa Maragondon, Cavite. Kasunod niyon, nadiskubre ang mga sunog na katawan ng dalawang lalaki sa isang lugar sa Cavite na pinaniniwalaang kina Dacer at Corbito.

Mariin namang itinanggi ni Lacson ang akusasyon. Wala raw siyang nalalaman sa kaso sa kabila na siya ang itinuturo ng mga dating PAOCTF police officers na sina Cesar Mancao at Glenn Dumlao. Ang isang pang police officer na si Michael Ray Aquino ay nakakulong sa US jail dahil sa espionage. Si Lacson ang hepe ng PNP nang maganap ang pagkawala nina Dacer at siya rin ang namumuno sa PAOCTF.

Biglang nawala si Lacson nang isisilbi na sa kanya ang subpoena. May nagsabing nasa ibang bansa siya at may nagsasabing nasa bansa lang siya. Noong Biyernes, isang warehouse sa Quezon City ang sinalakay ng NBI makaraang makatanggap na doon nagtatago si Lacson. Hindi siya natagpuan.

Laging sinasabi ni Lacson na wala siyang kasalanan sa kaso. Na idinidiin lamang daw siya ng mga kalaban sa pulitika, partikular ng dating Arro­yo administration. Ngayong wala na ang Arroyo admin, bakit pa siya nagtatago. Kung wala siyang kasalanan, bakit nagtatago. Bakit hindi niya harapin ang mga akusasyon? Bakit hindi niya linisin ang pangalan? Ang isang taong malinis ang konsensiya ay hindi natatakot humarap sa mga nag-aakusa.

BAKIT

CAVITE

CESAR MANCAO

CORBITO

DACER

DEPARTMENT OF JUSTICE

EMMANUEL CORBITO

LACSON

SI LACSON

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with