^

PSN Opinyon

Tumigil sa pag-iisip si Sec. Bert Romulo

- Roy Señeres -

MASYADONG premature ang pagtigil ng deployment ng OFWs sa South Korea . Basta na lamang inudlot ng DFA ang pag-alis ng daang Pilipino para kumita ng dolyares at maging merry ang Christmas ng mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

 Wala man lang pasubali si DFA secretary Bert Romulo kung ano ang magiging epekto nito sa mga nasabing Pinoy. Mukhang hindi man lang niya nabigyan ang bagay na ito nang malalimang pag-aanalisa. Tila parang tumigil na lamang siyang mag-isip.

 Bagama’t ang North Korea ay nagpakawala ng missiles sa isang probinsiya sa South Korea na ikinamatay ng pitong South Koreans, di na ito nasundan. Ang umiiral na lamang ngayon sa dalawang Korea ay “word war” na ang noise level ay hindi naman nakabibingi. 

Nakalimutan yata ni Romulo ang stages ng decision-making process para maging hinog ang decision at action sa isang crisis situation. Ito ay ang mga sumusunod: Input stage; Processing stage; Output stage, and Outcome stage. Nasa input stage pa lang si Romulo pero nag-decide na kaagad-agad ng ban or deferment of deployment. Kaya ano ang naging outcome ng hilaw at palpak na decision ni Romulo?

 Daan-daang OFWs lalo na yung nanggaling pa sa Mindanao at malalayong lugar ang na-stranded sa Maynila. Yung mga walang kamag-anak dito sa Maynila ay napilitang tumira sa Sogo at iba pang mga mumurahing hotel. Yung iba ay pinapawisan na ng malamig baka tumagal pa ang deployment ban at sasapit na ang

 Pasko na walang kuwarta ang pamilya. Yung iba naman, takot na wala silang maibayad sa mga nagpapa-5-6 lalo yung may mga pulupot sa ulo.

Kaya Mr. Romulo’s, stopping to think to analyze thoroughly the Korean crisis has been very costly and devastating to hundreds of Filipinos and their families. At ngayon, let us bestow upon Romulo this column’s PISOT Award as in Performance Inadequate, Sluggish and Overly Thoughtless. Noong nakaraang buwan, ang PISOT awardee natin ay sumang-ayon agad sa panukalang bawasan ang budget para sa legal assistance fund ng OFWs. Mabuti na lang at nagpasya si P-Noy na huwag tapyasan ang OFW Fund. Nakaugalian na ng ating awardee ang basta na lamang tumigil mag-isip.

BERT ROMULO

MAYNILA

MR. ROMULO

NORTH KOREA

PERFORMANCE INADEQUATE

ROMULO

SOUTH KOREA

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with