^

PSN Opinyon

'Kuliglig' drivers ang sisihin

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

NAPANOOD ng mga Pinoy dito US ang pagdispersed sa mga “kuliglig” noong Miyerkules. Nagtipon sila sa may Manila City Hall para makausap si Manila mayor Alfred Lim. Gusto nilang ipaalam sa mayor na hindi na sila makapamasada ay wala na silang ipakakain sa kanilang mga pamilya. Ito lamang ang kanilang pinagkakakitaan.

Iniharang nila ang mga “kuliglig sa kalsada kaya nagdulot trapik. Hanggang sa nagkagirian na ang mga drayber ng kuliglig at mga pulis. Nilabanan nila ang mga pulis at pinagbabato nila ang mga ito kung kaya ginamitan sila ng firehose ng Manila Fire Dept. Hindi pa rin huminto ang mga nagpoprotesta upang makasakit sa mga pulis.

Balita ko, humihingi ng tulong ang kuliglig drivers sa mga pulitiko upang sisihin ang pagmamalabis ng pulisya. Maliwanag naman ba ang mga “kuliglig drivers” ang may mga kasalanan at sila pa ang naunang magsimula ng kaguluhan. Sila ang naunang naging bayolente. Pinoprotektahan lamang ng pulisya ang kanilang mga hanay. Pinilit lamang sila ng “kuliglig” drivers na lumaban.

Marunong sanang sumunod sa batas. Ang hirap nga lamang ay mahilig tayong mga Pinoy na magpalusot upang makalamang sa iba. Aasenso tayong mga Pinoy kung matututo lamang tayong maging malinis ang puso at walang masamang ginagawa sa ating kapwa.

vuukle comment

AASENSO

ALFRED LIM

HANGGANG

INIHARANG

KULIGLIG

MANILA CITY HALL

MANILA FIRE DEPT

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with