Grupong 'kuliglig' sinubukan si Lim

NAGKALAT ang dugo, marami ang nawasak na bisekleta de motor dahil naging marahas ang ginawang rally ng grupong ‘kuliglig’ matapos silang buwagin ng kapulisan sa Manila, yesterday.

Parehong nasaktan ang magkabilang panig dahil nagmistulang riot ang despersal porke pumalag ang grupong ‘kuliglig’ sa batas.

Hindi nakuhang pakiusapan ang grupong ‘kuliglig’ ng pulisya nagmatigas sila kaya walang nagawa ang mga ito kung hindi ang sundin ang order mula sa nakakataas dahil grabe as in grabe at buwisit na buwisit ang mga motorista kahapon sa may city hall porke iniwanan ng mga nag-rally ang kanilang mga sasakyan.

Tama ba ito?

Akala siguro ng grupong ‘kuliglig’ matatakot sa kanila si Manila Mayor Fred Lim sinabihan na kasi sila ng una na hindi puede ang kuliglig sa mga pangunahin lansangan at pinayagan naman sila sa mga secondary streets na lamang sila bumiahe dahil nga sagabal ang mga ito sa trapiko.

Ayon sinubukan nila si Lim kaya nagka-hetot-hetot ang iba sa grupo ng ‘kuliglig’.

Sabi nga, ulitin pa ninyo?

Awayan Willie at ABS dehins na mapipigilan

SINAMPAHAN ng bagong case problem ng ABS-CBN si Willie Revillame ng copyright infringement sa Makati RTC,

Umaalma ang mga alipores ni Willie bakit sa Makati City ito dinala tapos na daw ang case problem sa Quezon City RTC dahil nabasura na daw ito.

Sabi ng mga kakosa ni Willie mukhang forum shopping ang nangyayari kahit magkaiba ang isinampang case problem sa una eh halos ganoon din ang hinihingi ang multi-million pesos na danyos at mabilis na pagpapatigil ng show ni Willie.

Sabi ng mga bright people ang pwede lang daw ipa-copyright ay ang final product at hindi ang konsepto lang.

Iyan pala ang isinasaad ng ruling ng Supreme Court sa Joaquin vs Drilon et al. Kaya naman nagpapalagan ang mgna kabig ni Willie.

Kaya ang kasong Willing Willie, ay hindi puwedeng sabihin na kinopya ito sa Wowowee kahit pa may pagkakahawig ang konsepto nila dahil sadyang magkaiba naman ang final product.

“Ano ang tawag dito ?’ Tanong ng kuwagong director ng pelikulang laos.

‘Ang korte ang makakapagsabi nito kung ano ang tama’.

‘Ano ngayon?’

Abangan.

 Guerilla ang jueteng ni ‘tepang’

PINAGDUDULDULAN ng pulisya na mahirap mahuli ang jueteng operasyon ng isang ‘tepang’ sa boung Kyusi porke guerilla ang style nito.

Gustong gawin engot ng foolish cops ang mga kuwago ng ORA MISMO, hindi puedeng  guerilla type ang jueteng operation ng kamoteng ‘tepang’ ng walang lagay sa mga bugok na mga barangay na may kubransa ang grupo at siempre sa PNP-CIDG at local police.

Sabi nga, ni Bishop Oscar Cruz, lumang tugtugin ito. Hehehe!

Abangan.

Show comments