^

PSN Opinyon

'Pabrika ng panlililo' (2)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

Ang tanging pinag-iba ng pabrikang napasok ng BITAG noong 2006 kung saan mga batang manggagawa ang mga empleyado, nakakulong ang mga biktima at nabuhay ng tila mga aso mula sa kanilang tinitirahan hanggang sa kainan.

Sa pabrikang napasok ng BITAG ngayong 2010, kinasangkapan ng parang kalabaw ang mga menor-de-edad na manggagawa sa pagtatrabaho sa loob ng pabrika at binuhay sa pasahod na fifty hanggang one hundred fifty pesos kada linggo.

Mismong mga kabataang nagreklamo sa BITAG, pinatunayan ang kanilang sumbong. Nagawa ng BITAG na mapasok ng isang undercover ang nasabing pabrika.

Sa araw ng sahuran, maaga pa lamang ay nakapila na ang mga kabataan upang kumuha ng bayad sa kanilang pinagtrabahuan sa isang linggo.

Subalit magdidilim na, hindi pa rin nakukuha ng mga pobreng empleyado ang kanilang mga sahod.

Ang empleyadong may hawak sa sahod ng kanilang mga manggagawa sa pabrika, galit pa ng tanungin ito kung anong oras magbibigayan ng suweldo. Tinawag pang makulit ang mga kaawa-awang empleyado

Kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) ng Quezon City, tinungo ng BITAG ang Velprint.

Rescue at surprise inspection ang ginawang mga nabanggit na otoridad sa taas upang tuluyang makumpirma ang sumbong ng mga kabataang nagrereklamo.

Sa puntong ito, nag-iba ang ihip ng hangin. Ang mga empleyadong nakuhanan ng aming surveillance camera na nagtataray pa, umamong parang tupa, naumid pa ang dila ng makaharap ang BITAG.

Sari-sari ang nakitang paglabag ng mga otori­dad sa kumpanya ng Vel­print, at inilalantad ito ng BITAG.

Magsisilbi itong babala sa ibang kumpanyang may ganitong estilo ng pamama-lakad na huwag tularan at sumunod sa batas at ta-mang sistema...

Abangan ang huling bahagi...

ABANGAN

BITAG

BUREAU OF PERMITS AND LICENSING OFFICE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

KASAMA

MAGSISILBI

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with