^

PSN Opinyon

Estribo Gang

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NOONG isang Linggo nagbitiw sa puwesto si Tourism Usec Vicente Romano III upang matuldukan na ang pagtatalo sa slogan “Pilipinas Kay Ganda” na ipapalit sana sa “Wow Philippines”. Mabuhay ka Sir! Paano nga naman papasa ito sa masa kung paglabas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay Estribo Gang ang tatambad.

Mapapa-wow ka sa sindak kung ikaw ang sumundo sa iyong mahal sa buhay galing NAIA. Kasi nga napapalibutan ng mga kalalakihan nangungunyapit sa sinasakyan at sapilitan kayong hihingian ng pasalubong. Natural na matatakot ka dahil hindi sila bibitaw sa pangungunyapit hanggat hindi ninyo ito naabutan, maiilang ka rin dahil unti-unting inaabot ang mga bagay-bagay na malapit sa bintana ng inyong sasakyan. Ang masakit, kadalasan walang barya kaya napipilitan na lamang na magbigay ng dolyar ang ilan sa mga biktima. Nakapanlulumo ang tanawing ito dahil walang pulis sa naturang lugar. Sa­yang ang magarang police outpost sa ilalim ng flyover na ginawang tulugan ng mga pulubi.

Ang katawa-tawang tanawin ay ang paghahabulan ng Estribo Gang at security guard sa kalsada. Hindi ito kinakatakutan ng Estribo Gang dahil wala naman itong karapatan na umaresto dahil labas na sa teritoryo ng NAIA. Maging ang tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay walang ginagawang hakbang dahil abala sila sa pagharang sa mga motoristang nalito sa trapiko. Mas madali kasing dumilehensiya sa mga drayber kaysa Estribo Gang. Paano maibebenta ang kagandahan ng Pilipinas kung sa bukana pa lang ng NAIA ay naki­kitaan na ng kakulangan sa seguridad. Lumalabas tuloy na walang pakialam si Pasay City mayor Tony Calixto sa nangyayari..

Maging si Pasay City police chief Sr. Supt. Napoleon Cuaton ay minamanas na sa katatago sa kanyang opisina kaya hindi niya alam ang nangyayari sa kanyang kapaligiran partikular sa Ninoy Aquino Avenue at MIA Road mula sa Bgy. Vitalez hanggang sa dating Nayong Pilipino. At hindi lamang pala Pasay City ang may problena nito kundi maging ang Parañaque City ay may kahintulad din na sitwasyon. Kasi nga itong kahabaan ng MIA Road diyan sa Bgy. Tambo ay pinaglulunggaan din ng mga pulubi at Estribo Gang. Walang aksyon ding ginawa si mayor Florencio “Jun’ Bernabe at Sr. Supt. Alfredo Valdez na maitaboy ang mga ito.

Kailan kaya sila kikilos, kung mayroon nang nang­yaring krimen? At dahil nga pangunahing kalsada ito mula sa airport dapat lamang na gumawa ng hakbang sina Calixto at Bernabe para maging kaaya-aya at ligtas upang mahikayat ang mga turista na magtungo sa ating bansa.  

Kaya MMDA chairman Francis Tolentino, utusan mo ang iyong mga tauhan na hulihin ang Estribo Gang. Abangan!

ALFREDO VALDEZ

BERNABE

BGY

DAHIL

ESTRIBO GANG

FRANCIS TOLENTINO

PASAY CITY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with