^

PSN Opinyon

Pabrika ng Panlililo

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HALOS araw-araw, may reklamong may kinalaman sa tinatawag na unfair labor practice.

Eto ‘yung mga sumbong ng mga empleyado sa isang kumpanya hinggil sa hindi tamang pagpapasahod at iba pang paglabag sa batas ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kalimitan ang ganitong kaso, hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin ng BITAG dahil may tamang ahensiyang nakatalaga upang resolbahin ang mga ganitong problema.

Ito ay ang DOLE at ang National Labor Relations Commission (NLRC). Subalit ibang usapan kung ang rek­lamong may kinalaman sa pagtatrabaho ay may pang-aabuso at ang biktima, mga menor de edad na trabahador.

Nakatawag ng aming pansin ang isang grupo ng kabataan nitong nagdaang Miyerkules sa People’s Day ng BITAG sa aming tanggapan.

Ang kanila raw pakay, maibunyag ang pananamantala at pang-aabusong ginagawa ng kanilang kumpanya, isang printing company sa Quezon City, ang Velprint.

Ilan sa mga kabataang ito, huminto pa sa kanilang pag-aaral sa high school upang magtrabaho lamang sa nasa- bing pabrika ng printing upang makatulong sa kanilang pamilya.

Ayon sa mga nagrereklamo, tuwang-tuwa ang kani­lang mga magulang ng natanggap silang manggagawa sa pabrika ng Velprint.

Subalit, lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang, masahol pa sa kalabaw ang trabahong ipinapagawa sa kanila ng pamunuan ng Velprint.

Hindi raw ligtas sa mga empleyado ang kapaligiran ng kumpanya, bukod sa mga lamok na araw-araw na nilang kasama sa pagta-trabaho, saksakan ng init at wala man lang ventilation upang makahinga ang mga manggagawa.

Kaya raw nilang tiisin ang mga paghihirap na ito para sa kanilang trabaho, isama na raw ang pagtayo ng labindalawang oras simula alas-5 ng umaga.

Ang problema, pagdating ng sahuran, ang kanilang sahod, tumataginting na sing-kuwenta pesos sa isang linggo.

Ang isang lumapit sa BITAG, nasa hustong gulang, aplikante pa lamang sila sa nasabing kumpanya sinabing 250 kada araw ang kanilang sahod.

Subalit laking gulat niya ng matanggap niya ang unang sahod sa unang linggo, 150 lamang. Lumalabas, beinte pesos kada araw lamang ang kaniyang sahod sa nasabing kumpanya.

At ang mga kabataang high school student lamang, singkuwenta pesos naman ang sahod sa isang linggo.

Kung susumahin, malaki pa ang kita ng nanlilimos at mga barker sa kalye.

Dito kumilos ang BI­TAG...

Abangan ang ikala-wang bahagi...

ABANGAN

AYON

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DITO

KANILANG

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISSION

QUEZON CITY

SUBALIT

VELPRINT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with