'Amazing Philippines'
“Amazing Philippines” ito na lang sana
Ang ipalit natin sa “Piipinas Kay Ganda”;
At sa “Wow Philippnes” – ngayon ay naluma
Pagka’t ang gobyerno natin ay bago na!
Katagang “amazing” magandang pang-akit
Sa lahat ng taong malayo’t malapit;
Kapamilya at Kapuso at Kapatid –
“Amazing Philippines” madaling masambit!
Dahil sa bago na ang administrasyon
Saka burado na ang slogan noon –
Ang baguhin ito ay napapanahon
Para original nitong lider ngayon!
Tutulong kay Noynoy ang ating idolo
Na si Manny Pacquiao sa ating turismo;
Kung silang dalawa magtutulong dito –
Tuloy ang pag-unlad nating Pilipino!
Dahil sa luma na itong “Wow Phiiippines”
Dapat mawala na sa bagong rehimen;
Maganda nga ito pero mapapansin
Ang pamana nito’y mantsa sa damdamin!
Mga mamamayang kaisa’t kalaban
Ipagkakapuri ang bagong slogan;
Maraming “amazing” dito sa ‘ting bayan
Kaya matutuwa turistang dayuhan!
Pagkaing masarap, magandang tanawin;
Makikita ritong talagang amazing;
Ang mga turistang sa bansa’y darating –
Sa airport pa lamang ngingiti sa atin!
Travel Advisory di dapat humadlang
Sa mga uuwi nating kababayan
Ang mga turistang maglilibang lamang
Ay samahan natin sa kapayapaan!
Dahil bago na nga pang-akit sa tourists
Pagbalik sa abroad sila’y magsusulit:
“Sa Philippines pala masaya’t tahimik
Talagang amazing saanman sumapit!”
- Latest
- Trending