^

PSN Opinyon

Halos lahat tayo ay corrupt

- Roy Señeres -

ANG akala ng karamihan ay ang mga tiwaling government officials lang tulad ng mga GMA (as in Ganid, Magnanakaw at Abusado) ng maituring nating mga corrupt. Hindi lang pala ganun ka-simple dahil halos lahat pala tayo ay corrupt.

Tunghayan natin ang sinabi ni Renato Constantino 52 years ago sa kanyang essay na “The Corrupt Society” na lumabas sa Sunday Times on August 10, 1958, aniya: (a) “Corruption is not merely a disease of our government. Corruption is a chronic malady of our society.” (b) “For a man is corrupt not merely because he peddles influence; he is also corrupt when he deliberately disparages local talent and production in favor of the foreign.”

Marami pang binanggit na mga instances si Constantino kung paano nagiging corrupt ang isang mamamayang Pilipino pero dahil brief lang tayo sa kolum na ito ay di ko na iisa-isahin pa.

Samakatuwid, kung mas gusto nating bumili ng sapatos o T-shirt na gawa sa Amerika o Tsina, sa halip ng sa Pilipinas, mas pinapahalagahan natin ang “production” ng mga ibang lahi kaysa sarili nating mga kababayan. Hindi lamang tayo taksil sa lahi, tayo ay corrupt pa ayon kay Constantino at ako’y sumasang-ayon sa kanya.

Dahil sa pang-isnab natin sa mga bunga ng dugo at pawis ng ating mga kapatid na mga manggagawa, 10 million na ngayon ang ating mga jobless, 12 million underemployed at 10 million ay kung saan-saan napapariwara overseas para buhayin ang mga mahal sa buhay nila na naiiwanan dito sa Pilipinas.

Ang mga corrupt sa gobyerno ay makapangyarihan.

Pero di tayo takot at pa-tuloy natin silang labanan. Pero labanan din natin ang ating sarili. Let us kill our desire for foreign products. Let us create jobs and/or sustain the jobs of our countrymen by buying what they produce. Only then can we stare ourselves in the mirror and honestly say: “Hindi ako corrupt.”

ABUSADO

AMERIKA

CONSTANTINO

CORRUPT

CORRUPT SOCIETY

PERO

PILIPINAS

RENATO CONSTANTINO

SUNDAY TIMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with