Carmen Palma Tacason, 60

KINUHA ni Lord si Carmen last November 22, kaya naman nag-iiyakan ang kanyang mga naiwanan kabilang ang anak niyang si Jay.

Bukas ang libing nito sa Pyramid memorial park dyan sa Magaldan, Pangasinan.

Ipagdasal natin si Carmen....Amen!

* * *

Robredo/Bacalzo ang 137

MALUNGKOT si Boy bata, ang jueteng operator na may hawak sa bayan ng Binmaley, Lingayen, Bugallon, Dagupan City at San Fabian dyan sa Pangasinan dahil natigil pansamantala ito sa kanyang operasyon dahil binulabog ng dyaryo ang kamote.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Boy bata lang ang tumigil sa kanyang lugar samantala ang mga gambling lords sa ibang bayan ng Pangasinan ay tuloy as tuloy pa rin ang  jueteng operation ng isang alyas Lito Millora, ang 137 lord dyan sa Malasigui, Manaoag, Mangaldan, Bayambang at Mapandan.

Naka-full blast naman ang  5th district ng Pangasinan dahil nananagana ngayon ang isang alyas Anthony Co samantala isang alyas Marlon ang financer ng jueteng sa Ika-6th district ay namamayagpag naman.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Isang alyas Raul Sison naman  ang may hawak sa Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo, at Basista tuluy-tuloy ang operasyon nila dahil naka-timbre ito sa mga foolish cop d’yan sa Pangasinan PNP command.

Paki-busisi lang SILG Secretary Robredo at CPNP Bacalzo para malaman ninyo kung ano ang totoo.

Isang alyas Bebot ‘bilyar’ ang may tangan naman ng jueteng operations sa  Sto. Tomas, Alcala, Bautista, Carmen­ at Vilasis.

Ano kaya ang masasabi dito nina DILG Jesse Robredo at PNP chief Raul Bacalzo?

Abangan.

* * *

Sabungan sa Mindoro

INIIMBITAHAN ni Atty. Biyong Garing ang lahat ng mga sabungero na dumalo sa kanyang pa 3 cocok derby sa Victoria cockpit arena, Victoria, Oriental Mindoro sa Dec. 10, 2010 (Friday). Mga big-time breeder from Quezon, Batangas, Laguna, Palawan, Marinduque, Romblon at Metro-Manila ang dadayo rin sa nasabing derby.

‘Punta na.’

Show comments