^

PSN Opinyon

Mga imbestigador ng MPD, nag-alisan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ANONG klaseng hangin kaya ang pumasok sa tanggapan ng Homicide Division ng Manila Police District at nag-alisan ang mga beteranong imbestigador? Mayroon kayang hindi nakayanan ang mga antigong imbestigador kaya inabandona ang bago nilang hepe na si Inspector Armado Macaraeg? Sa dinami-dami nang naging hepe ng Homicide ngayon lamang nangyari na umalis ang mga magagaling na imbestigador sa natu-rang tanggapan. May kinalaman kaya ito sa biyakan sa kinukulektang komisyon sa mga punerarya?

Mukhang natumbok ni Macaraeg na may pera pala sa patay kaya nagalit ang mga imbestigador na naapektuhan sa pagbabago ng patakaran. Marahil hindi nila nakayanan ang pinaiiral ni Macaraeg kaya sila umalis. Subalit ang ipinakitang reaksyon ng mga imbestigador ay nakatawag-pansin sa mga opisyal ng MPD at mamamahayag ng Manila Police District Press Corps.

Kung hindi ito maaaksyunan ni MPD Director Chief Supt. Roberto Rongavilla tiyak na malaking epekto ito sa Manileños. Kaya iyan ang aking tututukan sa mga susunod na mga araw. Kabilang na rito ang komisyon sa punerarya na pangunahing dahilan ng pagkawatak-watak ng mga imbestigador. Habang gumagawa ako ng pag-iimbestiga, nais kong iparating kay Macaraeg ang hinaing ng mga biktima ni Jeffrey Jimenea, anak ni Chairman Fernando Jimenea ng Bgy. 234, Zone 24 ng Sampaloc, Manila kung saan napatay ang family driver na si Gil Ibarra matapos ang mainitang pagtatalo.

Nagreklamo si Ibarra sa ingay ng banda mula sa Fernando Grill na pag-aari ng pamilya Jimenea. Nagkasalubong umano sa Dimasalang at M. dela Fuente Sts. si Jeffrey at Ibarra. Binaril umano ni Jeffrey si Ibarra sa ulo. Nakaligtas naman si Daniel Nalus sa pamamaril ni Jeffrey. Subalit ang pinagtataka ng mga kaanak ng biktima bakit hanggang ngayon ay hindi pa naipa-file ang kaso sa hukuman. Magkano kaya ang inilatag ni Chairman Jimenea sa opisina ni Macaraeg at hindi na umusad ang kaso at bakit walang follow-up para mahuli si Jeffrey. Marami na naman kasi ang natatakot sa naturang lugar dahil gumagala na naman na parang walang nangyaring krimen na nagawa si Jeffrey na sa tantiya ng mga residente roon hinahanting pa nito ang nakaligtas na si Nalus para tuluyang patahimikin. Habang magulo at kulang sa tauhan si Macaraeg tiyak na malabong malambat si Jeffrey. At habang malaya si Jeffrey patuloy naman umano ang operasyon ng apat na bookies ng karera ni Chaiman Jimenea sa kanyang lugar at ang mga tanod pa umano ng barangay ang nagsisilbing protector. Ginagamit din umano ni Chairman Jimenea ang ambulansiya ng barangay sa kanyang punerarya kaya limpak-limpak ang kinakamal nitong salapi. Abangan!

CHAIMAN JIMENEA

CHAIRMAN FERNANDO JIMENEA

CHAIRMAN JIMENEA

DANIEL NALUS

DIRECTOR CHIEF SUPT

IBARRA

JEFFREY

KAYA

MACARAEG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with