^

PSN Opinyon

Ninoy: Visionary hero

- Al G. Pedroche -

IKA-78 na kaarawan ngayon ni yumaong Senador Benigno Aquino Jr. Inilalarawan siya sa Encyclopedia of World Biography sa website bilang nangungunang tagasalungat sa diktadurya ni Ferdinand Marcos. Isinilang siya noong November 27, 1932 sa Tarlac at namatay noong August 21, 1983. Pinatay siya ng mga katunggali sa politika nang umuwi sa Pilipinas matapos ang tatlong taong self-exile sa Amerika. Mabilis na nalugmok ang Marcos regime dahil sa pangyayari. Naghudyat ang kamatayan ni Ninoy ng serye ng mga kilos-protesta laban kay Marcos.

Sa maigsing mga salita lamang inilalarawan ang buhay ng taong bumago sa takbo ng ating kasaysayan. Ayon sa website, sa edad na 17, siya ang pinakabatang mamahayag na kumober ng digmaan sa Korea para sa pahayagang The Manila Times ni Joaquin “Chino” Roces. Dahil dito’y natanggap niya ang Philippine Legion of Honor award mula kay Presidente Elpidio Quirino, sa edad na 18! Sa edad na 21, naging close adviser siya ni Ramon Magsaysay na siya namang defense minister nuong panahong iyon. Marami pang achievements ni Ninoy ang tinukoy sa website na batid na ng marami.

Pinagtiyap ng pagkakataon na ilang araw bago ipagdiwang ang kaarawan ni Ninoy ay nagpasabog naman ang North Korea ng mga artillery sa kalaban nitong South Korea. Di pa pala pormal na nagtatapos ang digmaan doon. Ang digmaang nagbigay ng pagkakataon kay Ni­noy na maipamalas ang angking galing at kagitingan.

Tulad din ito sa patuloy na pakikibaka laban sa korapsiyon at kahirapan para umiral ang totoong demokrasya. Si Ninoy ay mistulang propetang bumago sa kasaysayan. Aniya noon sa isang kalatas sa kanyang anak na ngayo’y Presidente natin   na si Noynoy Aquino: “Nasa kamay mo ngayon ang bola. Ang tangi kong maipapayo sa iyo:  Mabuhay ka nang marangal at palagiang dinggin ang iyong konsi-yensiya.”

Hinimok niya ang kan-yang anak noon na pag­ling­­kuran ang bansa nang buong puso, at kakayanan at kalakasan. Pwede na rin nating basahin ang mga katagang ito na animo’y tayo ang kanyang pinatutung-kulan. Ano ang ating magi-ging tugon?

ENCYCLOPEDIA OF WORLD BIOGRAPHY

FERDINAND MARCOS

MANILA TIMES

NINOY

NORTH KOREA

NOYNOY AQUINO

PHILIPPINE LEGION OF HONOR

PRESIDENTE ELPIDIO QUIRINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with