^

PSN Opinyon

Robredo/Bacalzo, ok na ba kayo?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGLULUNDAGAN sa tuwa ang mga bugok na opisyal dyan sa Pangasinan kabilang ang mga kamoteng Philippine National Police na nakabase dito dahil sa perang nakukuha nila mula sa mga jueteng lords.

Sabi nga, sarap naman!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahigit sa 15 porsiento ang pinaghahatian salapi mula sa P10 million kubransa everyday.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang weekly payola ay napakalaki dahil 15 porsiento ang pinaghahatian.

Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit nakalusot ang sugalan blues dyan sa Pangasinan mukha yatang natutulog sa pansitan si Supt. Boyet Ricafuete, ang provincial commander ng PNP dito o baka naman namamantikaan ang nguso nito sa mga biyakan dyan?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Paging DILG Secretary Jesse Robredo at PNP Director General Raul Bacalzo, asan ang ibinibida ninyong ‘one strike policy’ sa lalabag sa utusan este mali kautusan pala ninyo?

Ayan garapalan ang mga jueteng operation sa mga bayan dyan sa Pangasinan.

Mukhang walang kuenta ang ‘warning’ ninyo sa mga kamote parang pinagtatawanan lang kayo o kasama din kayo dito?

Mukhang nagka-ayusan na?  Nagtatanong lang po.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi puedeng magkaroon ng kubrahan blues para sa operasyon ng jueteng kung hindi alam ng mga opisyal dito.

Sabi nga, paano nagkaroon ng bolahan?

Ika nga, ang tatapang naman ng mga kubrador.

Bakit?

Mukhang happy sila ngayon?

Sino sila?

Iyong mga bugok!

Ang mga jueteng lord na natutuwa sa galak dahil sa laking kubransa sa Pangasinan ay sina sina Boy bata, ang may hawak ng probinsiya ng Binmaley, Lingayan, Bugallon, Dagupan City at San Fabian.

Isang alyas Lito Millora, ang 137 lord dyan sa Malasigui, Manaoag, Mangaldan, Bayambang at Mapandan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa 5th district ng Pangasinan ay hawak daw ng isang alyas Anthony Co samantala isang alyas Marlon ang financer ng jueteng sa Ika- anim na distrito.

Isang alyas Raul Sison naman ang may hawak sa Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo, at Basista.

Isang alyas Bebot ‘bilyar’ ang may tangan naman ng jueteng operations sa Sto. Tomas, Alcala, Bautista, Carmen at Villasis.

Abangan.

Banggaan vs. Secretary

MATINDI as in grabe ang mangyayari sa isang malaking ahesiya ng government of the Republic of the Philippines my Philippines dahil nagbabanggan sila ngayon kaya naman naghihintay sila  kung sino ang sisibakin o hindi ni P. Noy.

Matitindi ang padrino ng dalawang opisyal hindi biro ang isa dating kumon este mali hukom pala at ang isa ay si ‘peping baba,’ kung tawagin ng kanyang critics.

Ang secretary ay dating naka-upo bilang administrador pero nasibak ito dahil tinira ng mga kalaban niya matagal itong na-freezer kaya lang sinuerte dahil siya ang napisil ni P. Noy para mamahala ng ahensiya.

Si secretary ay bossing ngayon sa isang malaking ahensiya ng gobierno sa Pilipinas my Pilipinas binigyan ng pagkakataon pero sangkatutak ang inapakan nitong mga kasamahan niya porke hindi pa daw siya qualified.

Naku ha!

‘Pressure este mali pleasure pala of the President ang pagpili’.

Ang pinagkukuentuhan natin ay nabigyan ng magandang puesto noon iba pa ang pangulo ng bansang hinirang.

Nalagay ito sa ‘freezer’ matapos maintriga noon panahon ni Gloria.

‘Ano ba siya ni P. Noy?’

‘Hulog lang ng langit ito sa kanya’.

‘Sino ba ang sinasabi mo?’ Tanong ng kuwagong ingitero.

‘Wait and see malapit na'.

Sabi nga, abangan!

ANTHONY CO

AYON

BOYET RICAFUETE

ISANG

LSQUO

MUKHANG

PANGASINAN

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with