^

PSN Opinyon

Panukalang Human Rights resource centers

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

INIHAIN ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang Senate Bill No. 2475 (Human Rights Resource Center Act) na naglalayong palakasin ang pagrespeto sa karapatang pantao sa buong bansa.

Ayon kay Jinggoy, sa kabila ng mga batas sa Pilipinas hinggil sa karapatang pantao ay laganap pa rin ang mga insidente ng human rights violation at ito ang dahilan kung bakit nabibigyan ng negatibong human rights record ang Pilipinas sa pananaw ng international community. Kaila­ngan aniyang magpatupad ng komprehensibong hakbang para sa human rights promotion and protection sa bansa.

Alinsunod sa panukala ni Jinggoy, magtatayo ng Human­ Rights (HR) Resource Centers sa lahat ng panig ng bansa upang magpatupad ng mga programa para sa karapatang pantao sa usapin ng criminal justice system, local governance at local law enforcement.

Kabilang sa tungkulin ng HR Resource Centers ang pag-monitor sa mga pambansa at pandaigdigang batas at kasunduan sa karapatang pantao, at ang pagtitiyak na sumusunod dito ang mga otoridad sa antas ng barangay, bayan at lalawigan na nasa hurisdisyon ng bawat Center.

Para dito ay regular na makikipag-ugnayan ang Center sa Regional Office ng Commission on Human Rights, Office­ of the Provincial Prosecutor, Office of the Provincial Commander ng Armed Forces of the Philippines at sa Office of the Provincial Director ng Philippine National Police.

Ang Center ay pangunahing pangangasiwaan ng volunteer lawyers mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP), mga estudyante ng iba’t ibang law schools, mga non-government organization at ng mismong mga people’s organization.

ANG CENTER

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

HUMAN RIGHTS

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JINGGOY

OFFICE OF THE PROVINCIAL COMMANDER

OFFICE OF THE PROVINCIAL DIRECTOR

RESOURCE CENTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with