^

PSN Opinyon

Kristong Hari

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NAGTAGUMPAY si David sa kanyang pagtatanggol laban sa mga kaaway ng kanilang bayan. Kaya’t ginantimpalaan siya at binuhusan ng langis ang kanyang ulo at kinilalang Hari ng Israel. Kaya’t inawit niya sa kanyang Salmo: “Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong Diyos”. 

Ngayon ang kapistahan ni Hesus, Kristong Hari ng sansinubok. Maging sa sulat ni Pablo sa mga taga Colosas ay ipinahayon niya: “Magpasalamat kayo sa Ama sapagkat minarapat tayong ibilang sa mga hinirang ng magmamana ng kaharian ng kaliwanagan; inililigtas tayo sa kapangyarihan ng kadiliman”. Si Kristo ang Ulo ng Simbahan ayon sa kanyang kapangyarihang espiritual. Sa pamamagitan ng pagkamatay Niya sa Krus ay pinagkasundo ang Diyos at lahat ng nilikha sa langit at sa lupa. Kaya’t dito natin lubos na mimithiin na mapasama sa kaharian ni Hesus sa kalangitan.

Sa pagkakapako Niya sa Krus na tanda ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan ay tinuya at nilibak pa si Hesus ng isa ding nakapako, subalit ipinagtanggol siya ng isa pang nakapako: “Ang taong ito’y walang ginawang masama” sinabi pa niya: “Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” “Sinasabi ko sa iyo ngayon di’y isasama kita sa paraiso”.

Sa Kanyang pagkakatawang-tao ay hindi Niya ipinakita at ipinamalas ang kanyang pagka Diyos at pagka Hari manapa’y ipinamalas Niya sa atin ang kanyang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus upang Kanyang mapagbayaran ang kasalanan ng sandaigdigan. Ang pagdaloy ng Kanyang dugo ay siyang nagbigay buhay sa ating mga makasalanan.

Ang unang binigyan ni Hesus ng kabanalan ay ang krus na ginagamit ng mga Romano at Hudiyo sa pagpaparusa ng kamatayan. Ito ang naging instrumento ng Diyos upang isa-buhay natin na ang pagsa­sakripisyo ay pawang kabanalan at kalinisan   ng buhay. Ngayon ang krus ni Hesus ang na-ging sandata natin upang paglabanan ang lahat ng tukso, kasamaan at ka­salanan. Ito ang sagisag nating mga mananampalataya sa simbahan na itinatag ni Kristo kay Pedro, ang bato na hindi magagapi at mawawa-sak KAYLANPAMAN!

Cristus vincit, Cristus reinat, Cristus imperat!

2Samuel5:1-3; Salmo 122; Colosas 1:12-20 at Lk23:35-43.

vuukle comment

COLOSAS

CRISTUS

DIYOS

HARI

HESUS

KANYANG

KAYA

KRUS

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with