^

PSN Opinyon

'Baliktaran'

- Tony Calvento -

SINAMPAHAN niya ng kasong ‘Bigamy’ ang asawa matapos magpakasal sa isang Hapon.

Binweltahan umano siya nito. Giit ng misis BAKLA itong mister. Bilang patunay pinakita nito ang kuha ng asawa habang nakabes­tidang hapit at makapal ang ‘make-up’. Nakataas ang braso na para bang nagtatawag ng lalake.

“Hindi ako bakla! Inutusan niya akong isuot ang damit na ginagamit niya sa Japan. Siya pa ang nag-make-up sa’kin. Ginawa niya kong model sa bago niyang Polaroid. Pinagbigyan ko siya dahil akala ko naglilihi,” depensa ni JR.

Minsan pang nagbalik sa amin si Reynaldo Flores Jr. o “JR”. Iniinsulto umano siya at tinatapakan. Ngayon isinama niya ang kanyang ina sa aming tanggapan. Nagrereklamo sila dahil sila ang binabaliktad ng babae. Ang nanay daw ni JR ay nagpakasal sa ibang bansa.

Unang humingi ng tulong sa amin si JR nung Agosto ng malaman niyang may pinakasalang iba ang asawang si Jennifer Cariaga-Flores o ‘Efer’ nung Marso 29, 2006 sa Metro Manila, District II. Si Yuichi Sugiyama isang ‘Japanese National’.

Sinampahan niya ng kasong ‘bigamy’ si Efer sa Prosecutor’s Office, Quezon City. Lumabas ang resolusyon na inakda ni Assistant City Prosec. Jennifer Cabanban-Ong nakitaan ng ‘probable cause’ para maisampa ang kasong ‘bigamy’ sa Korte.

Hindi nagtagal nakatanggap siya ng ‘subpoena’ mula sa Regional Trial Court, Branch 34. Napag-alaman niya na naghain pala ng ‘annulment case’ si Efer para mapawalang bisa ang kanilang kasal.

Ikinagulat niya ang mga nilalaman ng salaysay ni Efer kung bakit maa-‘annul’ ang kanilang kasal. Nakapaloob ditong lito raw siya sa kanyang tunay na sekswalidad. Bakla umano siya, nagtatago ng larawan ng mga hubad na lalake sa magazines, nagsusuot siya ng ‘gown’ at nagma-make up. Yan ay ilan lang sa mga akusasyon kay JR.

Sa ipinasang Petition ni Efer, nakalakip bilang Annex B ang isang Psychological Report  na isinagawa ng Clinical Psychologist na si Pacita P. Tudla, Ph.D. ng Psychological Association of the Philippines. Nakasaad dito ang kanilang Marital History. Nakarating lahat ng ito sa ina ni JR na si Nemie. Hindi naging maganda ang dating sa kanya nitong Psychological report. Pati umano pangalan niya nakakaladkad sa kaso. Napauwi ng sa Pilipinas ng wala sa oras si Nemie.

“Napakasinungaling ng babaeng yan! Bwisit talaga… Pati ako tsinitsismis,” sabi ni Nemie.

Ang susunod na pahayag ay ang nakalagay sa Marital History report kung saan pinatutungkulan si Nemie.

Later on, the couple moved to an apartment in Alua, San Isidro. JR felt hatred and bitterness toward his family. He did not want to live with them. His mother married another man in Saudi Arabia and later stopped extending financial support to JR. Worse, JR’s aunt Zeny, was extracting all possibilities to separate her nephews from their wives. She would write to JR’s mother denigrating stories about Jenny including Janet, the wife of JR’s brother. As a result, JR’s mother recourse her money remittance to Aunt Zeny.

Ito ang nagtulak kila Nemie na muling lumapit sa amin. Gusto niyang malaman anong legal na hakbang ang maari niyang gawin.

“Una pa lang di ko na gusto ang babeng yan. Itsura pa lang niyan mukhang lolokohin ang anak ko. Ayun nga tama ako… niloko niya lang si JR,” mabigat na pahayag ni Nemie.

Itinampok namin ang istorya ng mag-inang Flores sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 (tuwing 3:00 ng hapon).

Pinabulaanan nitong ina ang akusasyon laban sa kanya, “Hindi ako nagpakasal sa kahit sinong lalake sa Saudi. Isa pa wala ako sa Saudi nasa Bahrain ako!”, pahayag ni Nemie.

‘Sewer’ o mananahi ng damit ang trabaho niya dun. Buwan-buwan din umano siya nagpapadala ng pera sa pamilya Flores. Katibayan nito ay ang mga resibo ng perang ipinadala niya na nagkakahalaga mula Php15,000-Php20,000.

Dinepensahan rin ni JR si Nemie tungkol dito. Walang buwan umanong hindi nagpapadala ng panggastos ang ina.

“Sa totoo po niyan. Nahihiya na ko kay nanay. Kasi yung pinapadala niya sa’kin binibigay ko din sa partido ni Efer, pantustos sa kanyang pamilya. Siya lang rin kasi ang inaasahan sa kanila,” kwento ni JR.

Patungkol naman dito sa kanyang kapatid na si Zeny at sa pakikialam nito sa buhay ng kanilang mga anak maging sa perang kanyang pinapadala, ayon kay Nemie simula’t sa pagkabata nila JR si Zeny na ang tumayong ina ng mga ito habang nagtatrabaho siya sa ibang bansa. Hindi umano si Zeny ang tumatanggap at humahawak ng pera.

“Napakabait nitong anak ko kaya ayan niloko!” huling sabi ni Nemie.

Isang malaking katanungan kila Nemie kung paano haharapin si Efer sa kasong kriminal na Bigamy gayung siya’y nasa Hamamatsu, Japan.

Ipinaliwanag naman namin sa kanila kung paano ang usad ng kaso. Dahil may warrant of arrest na dito kay Efer. Kailangan nilang humingi ng Court ‘Order for Cancelation of Passport’. Kapag naisagawa ito lalabas na ‘undocumented alien’ sa Japan si Efer. Maari na itong hulihin para ma-deport pabalik sa Pinas para haharapin ang kaso.

Maliban pa rito sinabi sa amin nila Nemie na nakakatanggap sila ng ‘death threats’ sa text ang kanyang mag-aama. Hinala niya manugang niya ang may gawa nito.

“Uunahin daw niya ang asawa ko at si JR… tapos ang ibang anak ko naman. Hindi ko maiwasang hindi matakot dahil malayo ako sa mga anak ko. Hindi naman ako palaging nasa tabi nila para malaman kung anu ng nangyayari sa kanila dito. Kaya nga nagpasya kong umuwi para matigil na ang lahat ng ito,” mga pahayag ni Nemie.

Bilang tulong ini-refer namin sina Nemie sa Provincial Commander ng Nueva Ecija, si P/Sr. Supt. Roberto Aligay.

Pinalapit din namin sila sa Chief ng National Bureau of Investigation Nueva Ecija na si Atty. Norman Taloza kaugnay sa umano’y mga ‘death threats’ na kanilang natatanggap.

Nitong ika-29 ng Nobyembre nakatakdang bumalik sa Bahrain si Nemie. Maari niyang sampahan ng kasong ‘Perjury’ itong si Nemie laban kay Efer dahil sa mga kasinungalingan umano na sinasabi nito tungkol sa pagpapakasal sa iba ni Nemie.

Ang tanging naghihinto kay Nemie upang gawin ito ay dahil sa kontrata niya sa Bahrain. Kapag sinampahan kasi niya ng kaso itong si Efer kailangan siya mismo ang mag-‘file’ nito dito. Minsan pa pinaliwanag kina JR ang ‘annulment’ na isinampa ni Efer ay maaring depensa nito sa kasong criminal na isinampa ni J.R. na BIGAMY.

Kapag napatunayan na nagkasala nga ito sa hukuman, si J.R. naman ang maaring mag-file ng ‘Petition for Annulment’ laban kay Efer for ‘Marital Infidelity.’ (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

SA gustong dumulog ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854. Ang landline 6387285 at ang aming 24/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Email: [email protected]

EFER

LSQUO

NEMIE

NIYA

SIYA

ZENY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with