^

PSN Opinyon

Puso at tapang ni Pacman

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

PUSO at tapang ang ipinakita ni Sarangani Congressman Manny “Pacman” Pacquiao sa buong mundo matapos ta­lunin si Antonio “Tornado” Margarito ng Mexico. Nakamit ni Pacquiao ang ika-8 world title.. Umiral ang pagiging Pinoy ni Pacquiao sa ibabaw ng lona ng sabihan niya si Referee Cole na patingnan sa doctor ang sugat ni Margarito dahil sarado na ang mga mata at malalagay sa panganib kung ipagpatuloy pa ang laban. Subalit dahil sa pride ni Margarito ay itinuloy pa rin ang banatan. Bagamat may kimkim na galit si Pacquiao matapos masikwat sa sikmura sa round 6, nangibabaw pa rin sa kanya ang butihing puso dahil ayon sa kanya hindi siya mamamatay-tao sa ibabaw ng lona. Sinaluduhan ng mamamayan sa buong mundo ang taglay na tapang nang harapin ang panganib sa kabila na maliit siya kaysa kay Margarito na ang taas ay 5’11’’. Hindi umubra ang suntok ni Margarito dahil sa hangin lamang ito tumama.

Dito naman sa ating bansa halos hindi humihinga ang sambayanan habang nakikipagsabayan ng suntok si Pacquiao kay Margarito. Tumigil sa pagbiyahe ang mga drayber kaya naging madalang ang mga sasakyan sa lansangan. Super tahimik ang kapaligiran kaya naitala ng Philippine National Police (PNP) ang zero crime sa buong kapuluan. Paano nga naman, ang lahat ay nakatutok sa mga television at radyo (kabilang na ako). Nagkamal naman ng limpak na datung ang mga tusong negosyante dahil tumataginting na P550 kada ticket ang kanilang nahuthot sa esklusibong palabas via sattelite. Sulit naman dahil nakangising lumabas sa mga sinehan at bakas ang kasiyahan sa panalo ni Pacquiao.

Ang masakit, kinabukasan ay marami sa ating mga kaba­bayan ang na-estranded sa mga lansangan matapos magwelga ang mga bus. Tigil pasada ang ipinamalas ng mga bus operator matapos ipatupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang color coding sa mga pampasaherong buses. Dapat may bayag si MMDA chairman Francis Tolentino dahil kung maging malamya siya sa kanyang paninindigan tiyak na lalo lamang siyang tatapakan ng mga bus operators at lalong magiging abusado ang mga bus driver. Ang dapat sa mga ito ay kanselahin ang franchise upang sumunod sa batas. Bakit kailangan pa nilang mamerwisyo ng mga pasahero gayong iilan lamang sa kanilang unit ang mawawalan ng biyahe na makakatulong sa pagluwag ng kalsada. Sa nakikita ko nais lamang ipamalas ng transport group na kaya nilang maghari-harian sa ating lansangan. Kaya ang payo ko sa bus operators at drivers pairalin ang puso saka na ang tapang. Abangan!

ABANGAN

DAHIL

FRANCIS TOLENTINO

MARGARITO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PACQUIAO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REFEREE COLE

SARANGANI CONGRESSMAN MANNY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with