Tunay na maganda ang hangad ni Noynoy
Na ang bansa nati’y umasenso ngayon;
Unang inaalis ang ‘graft ang corruption’
Upang ang mahirap kanyang maibangon!
Sa hangaring ito ng ating pangulo
Itong sambayanan dapat sumaklolo;
Ang bisyong korapsyon kultura na rito’t
Tayong mamamayan ang dapat magbago!
Mayama’t mahirap dapat magkaisa
Sumunod sa batas saka disiplina;
Magagandang batas ay naririyan na
Upang ang korapsyon mawala pagdaka!
Kung mayaman ka na ay sapat na iyon
Huwag nang hangaring magkamal ng bilyon;
At ang mahihirap ay dapat tumugon
Sa kanyang konsensya at mabuting layon;
Wala namang taong likas na masama
Lahat naman tayo’y mabuti ang nasa;
Kung paiirali’y pag-ibig sa kapwa
Ang lisyang gawai’y hindi magagawa!
Mahal nating lahat itong bansa natin
Kaya ang masama ay dapat itakwil;
Pag-ibig sa kapwa ating pairalin
Ang “graft and corruption” tiyak magmamaliw!
Hindi naman tamang mahalin mo lamang
Ang iyong sariling walang karangalan;
Dapat bayani ka na kahi’t kailanman
Dinadakila ka nitong buong bayan!
Kung wala kang dangal at sira ang puri
Ay balewala rin ang perang marami;
Di ba’itong bansa maraming bayani–
Sila ay marapat at dangal ng lahi!
Kaya tumpak lamang tayo ay tumulong
Sa hangad ng ating presidenteng marunong;
Dishonest at corrupt ating ipakulong –
Lalaya sa dusa itong ating nasyon!