'Paano po nalalason ang dugo?'
Dear Dr. Elicaño, gusto ko pong malaman kung paano nalalason ang dugo. Naitanong ko po ito sapagkat ganito raw ang nangyari sa aking ina. Hindi ko na po gaanong matandaan ang pagkamatay ng aking ina sapagkat ako ay nasa elementarya noong panahong iyon. Malabo pa sa aking isipan ang tungkol sa pagkalason ng kanyang dugo na ang dahilan daw ay ang pumutok na appendix. Matagal daw bago naoperahan ang aking ina kaya nalason daw ang dugo niya.
Gusto kong malaman ang ukol dito para na rin makapag-ingat ako at ang aking pamilya. Marami pong salamat at hangad ko ang mahaba mong buhay para makapagbigay pa ng payo sa mga katulad ko. Maraming Salamat at Merry Christmas.
—Antonio Buenaflor, Occidental Mindoro
Salamat sa iyong dalangin at pagbati.
Ang pagkalason ng dugo dahil sa pumutok na appendix ay posible. Ayon sa’yo natagalan pa bago maoperahan ang iyong ina sa appendix kaya kumalat na ang lason sa kanyang dugo. Hindi lamang ang pumutok na appendix ang nakalalason sa dugo, maaari rin ang tooth abcess at kapag may infection sa gall bladder.
Kapag nagkaroon ng pathogenic micro-organism sa dugo (especially bacteria) apektado na ang circulation nito at pati ang iba pang bahagi ng katawan. Tataas nang todo ang temperatura ng katawan at makaranas ng grabeng ginaw, pagpapawis, pananakit. ng katawan at bababa ang blood pressure. Hindi mapakali ang pasyente kaya kinakailangan na ang agarang medical attention dahil posibleng mamatay lalo pa at kung maysakit siyang tinataglay. Bibigyan siya ng doctor nang mataas na amount ng antibiotics hanggang sa bumalik sa normal.
Nasa panganib ang mga matatanda at sanggol kapag ang kanilang dugo ang nalason. Maaari ri namang malason ang dugo kung ang isang tao ay walang immunity.
Ipinapayo ko na la-ging magpa-checkup sa doctor kapag nagkaroon ng infections, sugat at pinsala sa katawan. Magkaroon din ng regular na dental checkup.
- Latest
- Trending