^

PSN Opinyon

Pananampalataya dinaan sa baraha

SAPOL - Jarius Bondoc -

DI-KARANIWANG tahimik sa umagang iyon ng Linggo sa isang bansa sa Middle East. Walang putukan ng baril o pagsabog ng bomba. Nilabas ng binatang sundalo ang mga baraha at nilatag sa kama. Siya namang pagpasok ng sarhento, na nagtanong kung bakit di siya sumama sa platoon na nagkakasayahan.

“Nagpaiwan po ako para magmuni-muni tungkol sa Panginoon,” sagot ng sundalo.

“Ow, maglalaro ka lang yata ng baraha, e.” binalikan siya ni Sarge.

“Hindi po, sir. Bawal kasi tayo magdala ng Bibliya at ibang librong Kristiyano dito, kaya kakausapin ko ang Diyos sa paraan ng baraha.”

“Paano?” di-makapaniwalang tanong ng sarhento sa sundalo.

“Kita mo itong Ace, Sarge? Ito ang nagpapaalala sa     akin na iisa ang Diyos. Ang Dos ay dalawang parte ng Bibliya -- ang Old at New Testaments. Ang Tres ay Holy Trinity: Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos Espirito Santo. Ang Kuwatro ay apat na gospel nina Mateo, Marco, Lucas at Juan. Ang Singko ay para sa limang birhen; sampu sila, pero lima lang ang pinapurihan. Ang Seis ay ang anim na araw ng paglikha ng Diyos sa mundo. Ang Siyete ay ang araw na nagpahinga Siya matapos maglikha. Ang Otso ay tungkol sa pamilya ni Noah, asawa nya, tatlong anak at mga asawa nila na niligtas ng Diyos sa malaking baha na lumipol sa mundo. Ang Nuwebe ay mga ketongin na ginamot ni Hesus; sampu sila pero siyam ang hindi man lang nagpasalamat. Ang Diyes ay ang Sampung Utos ng Diyos na inabot kay Moses. Ang Jack ay nagpapalala kay Satanas, isang dating anghel ngunit sinipa sa langit dahil sa kanyang masamang gawi at siya ngayon ang joker sa impiyerno. Ang Queen ay ang Birheng Maria. At ang King ay si Hesus, Hari ng lahat. 

“Kaya kapag nais kong kausapin ang Diyos at magpasalamat sa Kanya, ang mga lumang barahang ito ang nagpapaalala sa akin.”

“Pahiram nga ng ba­raha at magdadasal din ako,” anang sarhento.

ANG DIYES

ANG DOS

ANG JACK

ANG KUWATRO

ANG NUWEBE

ANG OTSO

ANG QUEEN

ANG SEIS

ANG SINGKO

DIYOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with