FEU Law Alumni Association

MALAPIT na ang 52nd anniversary at grand alumni homecoming ng FEULAA kaya naman pinagbibigay alam ni Atty. Biong Garing, presidente ng kanilang grupo sa kanyang mga kasamahan sa asosasyon na huwag kalimutan ang pagtitipon nila sa Nov. 19, 2010 (Biernes) sa ganap na alas-7 ng gabi sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Si Chief Justice Renato C. Corona, ang iyong guest of honor at speaker.

Sabi ni Atty. Garing, para sa mga gustong magtanong upang malaman ang iba pang mga detail huwag mahiya at tawagan siya sa 861-1125 at 534-1754.

Ano ang dapat gawin ng mga taga-FEULAA?

Magpunta para makipagsaya sa kanilang ika-52 anniversary at grand alumni homecoming.

‘Gayak na!’  

Excessive bonuses ang perks

NABUKO ng Bureau of Internal Revenue sina da­ting SSS prez Romulo Neri at SSS chairman Thelmo Cunanan.

Bakit?

Sa hindi pagbabayad sa government of the Republic of the Philippines my Philippines or in short sa BIR ng tamang halaga ng kanilang mga income tax.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ano ang nangyari?

Sinampal sila este mali sinampahan pala sila ng magkakahiwalay na kaso ng BIR sa kasong tax evasion.

Ano ngayon ang problema?

May kaso silang haharapin kaya iyon ang problema.

Sabi nga, abala.

Ganoon!

Saan ang reklamo?

Sa DOJ isinampay este mali isinampa pala ang kaso dahil nagdugo este nabigo sina Neri at Cunanan to declare ang kanilang kinita habang sila ay mga board members ng Philex Mining Corp., at Union Bank of the Philippines.

Ano ba ang nangyari?

Kasi may imbestigasyona ng Senate Finance Committee regarding sa excessive bonuses and perks ng mga official ng government-owned and controlled corporations.

Kaya binusisi sila ng BIR dahil sa pagkalkal si Neri ay may P11.3 million  noong 2008 at P34.2 million noong 2009. Kaya dahil dito ay napag-alaman ng mga BIR na nagpalusot dahil hindi idineklarang lahat ni Neri ang kanyang income kaya naman may tax deficiency na P6.2 million ito para sa year 2008 at P11.9 million sa 2009.

Naku, ang laki-laki!

Ano ang problema?

Sabi ng  BIR kay Neri magbayad ka ng  P18.2 million sa aggregate tax liabilities siempre kasama dito ang mga surcharges and interests.

Sabi nga, kawawang bata este mali matanda pala? Hehehe!

Ang problema naman ni Cunanan nagpalusot din ito porke dehins siya nagbigay ng income tax returns noon year 2005 up to 2007.

‘Siguro sila ang big fish ng mga naging official ng government of the Republic of the Philippines na kinasuhan ng tax evasion ng BIR’ sabi ng kuwagong mananakbo.

‘Siguro nga’, sagot ng kuwagong SP0 - 10.

‘Paano ngayon sila?’

‘Kamote, magpaliwanag sila ng maayos’.

Abangan.

Show comments