Lehislasyon ni Jinggoy sa disaster management
KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay naalarma at nalungkot sa naganap na muling pananalasa ng mga kalamidad sa ilang bahagi ng ating bansa. Partikular sa mga ito ay ang grabeng pagbaha at landslides sa Isabela, Cagayan at Aurora.
Ilang katao ang namatay habang libu-libong mga residente ang inilikas mula sa kanilang mga kabahayan matapos umapaw ang tubig sa mga ilog at sapa roon dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan. Napakaraming bayan at barangay sa naturang mga lalawigan ang apektado, at natabunan pa ng gumuhong mga lupa ang ilang mga kalsada kaya maraming lugar ang naging “isolated.” Pati ang Magat Dam sa Isabela ay umabot sa critical level ang tubig dahil sa malakas na ulan.
Si Jinggoy ay consistent sa aktibong pagsusulong ng mga hakbangin para sa pagpapataas ng kahandaan ng pambansang pamahalaan at mga komunidad sa pagtugon sa pananalasa ng mga bagyo, pagbaha, landslides, lindol, sunog at iba pang kalamidad.
Si Jinggoy ang nag-akda ng panukalang Comprehen-sive Disaster Management Act kung saan iginiit niya ang “development and operationalization of a disaster management program to handle and address disaster issues in their totality, encompassing the aspects of prevention, mitigation, preparedness, emergency operations, relief and rehabilitations.” Ang panukala ni Jinggoy ang nagsilbing pangunahing basehan ng Republic Act 101211 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.
Ayon kay Jinggoy, patuloy pa siyang magsusulong ng mga lehislasyon para sa mga makabago at mas epektibong paraan sa disaster management.
- Latest
- Trending