Mayroon bang “grand conspiracy” para wasakin ang kredibilidad ni Presidente Aquino? Isang kilusang posi-bleng pinopondohan ng malaking halaga ng mga taong ibig siyang mawala sa puwesto? Nagtatanong lang po.
Kasi’y tila may disimuladong diskarte para siraan ang Pangulo. Ito’y sa pamamagitan ng mga sinadyang “ay mali” ng sariling mga tauhan ni P-Noy. Wika nga - deliberate faux pas that reflects against the administration’s ability to manage the nation. Yun bang tipong mabubukulan nang husto ang Pangulo at magmumukhang tanga dahil sa kapalpakan ng mga taong sakop niya.
Sariwa pa sa isip natin ang pumalpak na Manila Hostage Crisis na naglantad sa atin sa kahihiyan sa mata ng mundo lalu na sa mga Chinese. Case close na iyan pero sinundan naman ito ng bagong international Fiasco na nagpasikat sa isang nagngangalang Mai Mislang, speechwriter daw ni P-Noy na nagsabi sa twitter account na walang poging Vietnamese at ang alak na isinilbi sa delegasyon ni P-Noy doon ay palpak.
Sa aking palagay the President must conduct a loyalty check on all the people surrounding him, particularly those holding sensitive functions.
Personal ko lang apela sa Pangulo Mr. President, stop defending your people who commit glaring, wanton embarrassing acts to make it appear that you are stupid because you’re not. Ang siste ang Pangulo pa ang sumasalo sa kapalpakan ng kanyang mga tauhan.
Tourism grad pala si Mislang, and a “cum laude” at that! She must, as a government functionary - use her know-how to attract more tourists to come to the Philippines and help boost the economy. It’s strange she maligns foreigners.
Whatever is said of Vietnam, it is advancing economically after it was battered by the war. Nakalulungkot na dahil sa ganyang asal ni Mislang, we are devastating our own country. It would have been better if we were ravaged by an assault by a foreign power than be ruined by our own misdemeanors, such as the one displayed by this (un) lady. Uttering such insulting and unkind words against a neighbor is to say the least - diabolical. I’m beginning to suspect this woman is part of a conspiracy to vilify P-Noy.