^

PSN Opinyon

'Credible Reports'

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

“WE continue to receive credible reports indicating terrorists are planning attacks against a range of targets, including places frequented by foreigners ... Reliable reports indicate that terrorist attacks may be imminent in Manila.” Australian Travel Advisory. “Terrorist attacks could be indiscriminate and could occur not only in the southern islands but also in other areas, to include Manila.” Travel Warning ng America at Inglatera. Maging ang pagsakay sa mga eroplanong Pilipino ay itinuring na delikado.

Dahil sa naunsiyaming pagbomba sa mga cargo plane ng America at Inglatera, tila buong mundo na ang napapraning. Isa na ang Pilipinas sa matatawag na collateral damage ng pangyayari. Hindi pa man tayo nakakabangon sa dagok ng Luneta hostage crisis ay heto’t may bago tayong hamon na haharapin.

Hindi kagulat-gulat na tayo’y kasama sa unang mga bansang katatakutan ng mga Puti. Dahil sa mahabang ka­say­sayan ng giyera sa Mindanao, at sa namayaning karahasan itong mga nakalipas na taon na isinisisi sa alitan, sino pa ba ang paghihinalaan na pugad ng terorismo? Lalo na sa mga Amerikano na hindi malimutan ang koneksyon ng Pilipinas sa mga teroristang nasabat sa pagbobomba sa 9/11 at sa mga turista nila sa Indonesia­.

Agad siyempreng pinabulaanan ng AFP at ng PNP ang intelligence reports ng ating mga kaalyadong bansa. Kahanga-hanga ang kanilang pagkilos upang huminahon ang lahat. Ayos pa rin daw ang seguridad ng tu­rista sa Pilipinas.

Bilang Pinoy nais ko ring maniwala na hindi naging war zone bigla ang aking tirahan. Para sa ating mga anak, mahalagang mana­tiling panatag ang loob – walang maitutulong ang pag-panic. Subalit hindi mawawala ang pag-alala. Medyo ang mga lider lang naman ng mundo sa kagali­ngan ng intelligence gathering ang nag­sabing may credible reports ng terorismo. Sino kaya sa kanila at sa sarili nating intelligence agency ang na­kapagbibigay kum­piyansa?

Utang sa atin ng pamahalaan ang im­bestigahan ng mahu­say, na binibigyan ng kaukulang timbang, ang paratang ng mga Puti. At sana’y sa lalong madaling pana­hon ay maipamahagi sa lahat ang kato­tohanan nang mapag­handaan ito ng mabuti. Mas maganda ang may liwanag kaysa lahat tayo nasa dilim.

AMERIKANO

AUSTRALIAN TRAVEL ADVISORY

BILANG PINOY

DAHIL

INGLATERA

PILIPINAS

PUTI

SHY

TRAVEL WARNING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with