Ilang ehersisyo sa pag-aanalisa

(1) LUMUBOG ang barko. Inanod sa isang isla ang ama at dalawang anak. Maswerte at may balsa sa buha­nginan. Magagamit nila para tawirin ang mapating na dagat patungong mainland. Ngunit ang kaya lang nito isakay ay 60 kilos; kung labis ay lulubog ito.

Ano ang gagawin ng tatlo — ama na may timbang na 60 kilos at dalawang anak na tig-30 kilos — para makaligtas? Nasa huli ang sagot.

* * *

(2) Alas-2 nang madaling-araw, natagpuang pinatay ang isang crew sa barkong Hapones sa gitna ng dagat. Inimbestigahan lahat ng sakay:

Kapitan: “Tulog ako nu’ng mga oras na ‘yun.”

Cook: “Nagluluto ako.”

Crew: “Baligtad ‘yung bandila, kaya itinama ko.”

Scout: “Naghahanap ako ng kalabang barko, kasi may signal sa radar.”

Agad inaresto ng pulis ang murderer. Sino sa palagay niyo at bakit?

* * *

(3) Mayroong di bababa sa 175 wika sa Pilipinas, at walo dito ay malaganap: Tagalog, Ilocano, Pampango, Pangasinan, Bicolano, Ilonggo (Hiligaynon), Bisaya, at Waray. Mayroon din kaisa-isang salita na common sa mga wikang Pilipinas, at pareho ang kahulugan nito sa lahat. Ano ito?

* * *

Sagot: (1) Una, sasakay sa balsa patawid sa dagat tungong mainland ang dalawang anak na tig-30 kilos. Babalikan ng isa ang ama. Sasakay mag-isa ang ama na 60 kilos patu­ngong mainland. Babalik ang ika­ la­wang anak. Sa­sakay ang dalawang bata pabalik sa mainland. Ligtas lahat.

(2) Hinuli ang crew dahil nagpapalusot. Wala naman tama o baliktad sa bandilang Hapon — pulang bilog sa puting field.

(3) “Utang”. Ka­tu­na­yan ito na merong maunlad na kalakalan bago pa man du­ma­ting ang mga Kastila.

Show comments