Ilang ehersisyo sa pag-aanalisa
(1) LUMUBOG ang barko. Inanod sa isang isla ang ama at dalawang anak. Maswerte at may balsa sa buhanginan. Magagamit nila para tawirin ang mapating na dagat patungong mainland. Ngunit ang kaya lang nito isakay ay 60 kilos; kung labis ay lulubog ito.
Ano ang gagawin ng tatlo — ama na may timbang na 60 kilos at dalawang anak na tig-30 kilos — para makaligtas? Nasa huli ang sagot.
* * *
(2) Alas-2 nang madaling-araw, natagpuang pinatay ang isang crew sa barkong Hapones sa gitna ng dagat. Inimbestigahan lahat ng sakay:
Kapitan: “Tulog ako nu’ng mga oras na ‘yun.”
Cook: “Nagluluto ako.”
Crew: “Baligtad ‘yung bandila, kaya itinama ko.”
Scout: “Naghahanap ako ng kalabang barko, kasi may signal sa radar.”
Agad inaresto ng pulis ang murderer. Sino sa palagay niyo at bakit?
* * *
(3) Mayroong di bababa sa 175 wika sa Pilipinas, at walo dito ay malaganap: Tagalog, Ilocano, Pampango, Pangasinan, Bicolano, Ilonggo (Hiligaynon), Bisaya, at Waray. Mayroon din kaisa-isang salita na common sa mga wikang Pilipinas, at pareho ang kahulugan nito sa lahat. Ano ito?
* * *
Sagot: (1) Una, sasakay sa balsa patawid sa dagat tungong mainland ang dalawang anak na tig-30 kilos. Babalikan ng isa ang ama. Sasakay mag-isa ang ama na 60 kilos patungong mainland. Babalik ang ika lawang anak. Sasakay ang dalawang bata pabalik sa mainland. Ligtas lahat.
(2) Hinuli ang crew dahil nagpapalusot. Wala naman tama o baliktad sa bandilang Hapon — pulang bilog sa puting field.
(3) “Utang”. Katunayan ito na merong maunlad na kalakalan bago pa man dumating ang mga Kastila.
- Latest
- Trending