^

PSN Opinyon

Mis-language

- Al G. Pedroche -

BIGLA na namang napasok sa kontrobersya ang admi­nis­trasyong Aquino. Ito’y matapos na isulat ng presi­dential speechwriter na si Maria Carmen Mislang sa kanyang twitter account na palpak ang alak na isinilbi sa delegasyon ni Presidente Aquino sa Vietnam. “The wine sucks” aniya. Ito’y modern day idiom para bigyang diin na walang katorya-torya ang inuming inihain sa kanila sa Vietnam.

Pero kapag miyembro ka ng official delegation, dapat mayroon kang diplomasya dahil ang nakataya ay ang relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa. You have to talk the diplomat’s language. Ang ginawa ni Mislang ay “mis-language.”

Isinulat pa umano ni Mislang na wala siyang nakitang guwapong Vietnamese. Nalaman ko na bata pa pala itong si Mislang. Sabi ng actress na si Rica Peralejo, ka-batch niya sa eskuwela si Mislang. Nasa late twenties lang. Mas radikal palibhasa ang takbo ng utak ng mga kabataan ngayon. Taklesa wika nga.

Sa modernong pananaw kasi, you have to call a spade a spade. Kapag gumamit ka ng diplomasya para masiyahan lang ang kabilang partido, ang tawag sa iyo’y plastic. Katuwiran siguro ni Mislang ay twitter lang yon na kagaya ng facebook ay hindi maituturing na official. Pero official statement man o hindi, ang mensahe sa mga social networking ay nakararating nang mas mabilis sa lahat ng sulok ng mundo. Ano mang sabihin mo lalu pa’t ikaw ay bahagi ng pamahalaan ay makasusugat ng damdamin ng bansang pinatu­tungkulan mo. Sen­sitibo ang la­ra­ngang diplo­masya. Maraming digmaan ang nagsimula lamang dahil sa “mis-language” o maling salita.

Marami sa mga opis­yales ni P-Noy ay kaba­taan. Mga miyem­bro ng generation x dahil pini-face-out na ang mga mi­yem­bro ng “baby boomer” na kagaya ko, hehehe.

Ang ginawa ng Mala­cañang ngayon matapos ang bagong kapalpakan ay sinuspinde ang paggamit ng twitter ng mga pa­lace officials. Hindi ba dapat ang suspendihin ay yung nagka­mali?

Anyway nangyari na iyan. Ilan pa kayang on-the-job lessons ang dara­nasin ng adminis­trasyon bago matuto?

ANO

AQUINO

ILAN

MARIA CARMEN MISLANG

MISLANG

PERO

PRESIDENTE AQUINO

RICA PERALEJO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with