^

PSN Opinyon

Sa bahay ni Zaqueo

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

LABIS-LABIS ang kapangyarihan ng Panginoon, ma­haba­gin Siya at ginagawa Niya ang anumang bagay para sa lahat ng kinapal. Maging si David sa Salmo ay wagas na nagpuri: “Diyos ko at aking Hari, pupurihin kitang lagi”. Tularan natin si Pablo sa ating panalangin upang maging karapat-dapat din tayo sa pagtawag sa atin ng Panginoon.

Maging sa ebanghelyo ay ipinahiwatig sa atin ang pinaka-malaking biyaya ni Hesus kay Zaqueo noong Siya mismo ang nagkusang paimbita noong makita Niya si Zaqueo sa puno ng Sikomoro: “Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat kailangan Kong tumuloy ngayon sa bahay mo”. Sa kabutihan ng Panginoon ay napagtanto ni Zaqueo ang kanyang kasalanan. Nagbalik-loob siya at winika: “At kung ako’y may nadayang sinuman ay apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya”.

Hindi ipinagmalaki ni Zaqueo na si Hesus ay nakikain sa kanyang tahanan, manapa’y naliwanagan siya upang humingi ng kapatawaran at magpanibago ng buhay. Alam niyang kilalang-kilala ng lahat ang kanyang kasamaan at kasalanan dahil siya’y isang tax collector. Sana’y mapagtanto din ito ng mga taga B.I.R. Magpasalamat tayo sa Panginoon sa pagpansin ng ating P’noy sa mga namamahala dito.

Bukas, unang araw ng Nobyembre ay pistang pa­­ngilin. Ito ay pagdiriwang ng ating simbahan para sa lahat ng banal sa kalangitan. Araw ng mga Santo at Santa (All Saints’ Day) Sila ang mga ginantimpalaan ng Diyos sa kalangitan. Nabuhay sila rito sa lupang ibabaw ng may kabanalan. Hindi lang sila ang mga sikat na santo at santa na pini-pintakasi dahil sa mga himalang ipinakaloob ng Panginoon kundi sila ay naging bahagi ng ating buhay. Naniniwala ako na si tatay at si inay ay kabilang sa mga pinagpala ng Panginoon. Maraming saksi ang magtatalaga sa kanilang buhay.

Sa ikalawang araw naman ay ipanalangin nating lahat ang mga yumao upang bigyan sila ng kapayapaan sa kabilang buhay. Tayong mga Pinoy ay iba ang pana­naw sa Nov. 1 at Nov. 2. Nov. 1 ay pag­di­riwang sa mga banal sa simbahan. Sa Nov. 2, ang pag­dalaw sa puntod ng mga yumao. Ang nangyayari sa unang araw puntahan na at wala sa kanilang simbahan. November 2 Araw ng mga Patay, patay na din sa katahimikan ang mga sementeryo. Bakit tayo’y la­ging advance. September pa lang may awit pamasko na gayung December pa ang Pasko.

Requiem aeternam dona eis Domine et lux per­petua luceat eis. Requiescat in pace!

Karunungan 11:22-12:2; Salmo 144; 2Tes1:11-2:2 at Lk9:1-10

ALL SAINTS

ARAW

DIYOS

HESUS

NIYA

PANGINOON

SHY

ZAQUEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with