^

PSN Opinyon

Huwag de-kahong kilos!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

KUMALAT na ang YouTube video kung saan pinapakita ang isang nurse sa UK na nagpatay ng ventilator ng isang nakaratay na pasyente, tapos nag-panic nang hindi na mabuksan muli. Higit 20 minuto bago may dumating na mga paramedics para buksan muli ang ventilator, pero nagawa na ang danyos sa utak ng pasyente dahil sa kakulangan ng oxygen. Kung dati ay nakakasalita at nakakagamit pa ng computer at wheelchair sa pamamagitan ng kanyang boses, ngayon hindi na. Noong 2009 naganap ang insidente, at Pilipina ang nurse na nagpatay nung ventilator. Nataon na nilagyan ng video camera ang kuwarto ng pasyente, para maging kampante na nababantayan ang pag-aalaga sa kanya. Kaya nakuha sa video ang aksidente.

At aksidente nga ang naging desisyon ng UK Crown Prosecution Service, kaya hindi naman kakasuhang kriminal ang nurse, pero suspendido na ang lisensiya niya para magtrabaho bilang nurse sa UK. Sa madaling salita, hindi sinadya at aksidente lang, pero hindi na dapat siyang mag-alaga ng mga pasyente sa UK dahil sa ginawa niyang kapalpakan.

Hindi natin alam kung ano ang iniisip ng nurse at pinatay niya ang makinang tumutulong sa pasyenteng huminga. Basta na lang ba niya pinatay? Kaya nangangamba ang mga ibang Pilipinong nurse sa UK, pati na siguro sa buong mundo na baka makaapekto sa pagtingin at pagtiwala sa kanila, at sa kanilang kakayanan sa pag-aalaga ng mga pasyente. Pati yung mga magtatrabaho pa lang na nurse sa ibang bansa ay baka apektado rin. Likas sa tao ang humusga kaagad, at tumingin sa nasyonalidad ng lahat ng tao, lalo na kapag may mga indisente tulad nito. Kaya dapat mag-ingat lagi, at hindi lang naman sarili ang kinakatawan kundi ang buong bansa na rin. Naniniwala ako na isang insidente lang ito, at hindi ito pangkaraniwang nagaganap sa mga Pilipino nurses sa abroad. Pero bilib ako sa bilis ng desisyon ng UK. Kung dito nangyari iyan, sigurado napakatagal ng desisyon. Sana magsilbi itong aral sa lahat ng nagtatrabaho, maging dito o sa ibang bansa, na laging isipin muna ang lahat ng kilos, at huwag dekahon-kahon lang. Sa insidenteng ito, dahil hindi nakatutok at nag-iisip habang nagtatrabaho, napinsala ang isang pasyente, habang nawalan naman ng hanapbuhay ang isa. -

CROWN PROSECUTION SERVICE

HIGIT

KAYA

LANG

LIKAS

NANINIWALA

NATAON

NOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with