^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bahagyang umangat

-

TAUN-TAON, hindi pumapalya ang Transparen­cy International (T.I.) sa pagsipat sa mga bansa ukol sa level ng nangyayaring corruption. At kasama palagi ang Pilipinas sa mga bansang sinisipat nila ang corruption. Mula 1995 ay nagsimula nang sumipat ang T.I. at nadagdagan ang mga bansang kanilang nira-rank batay sa nangyayaring corruption. Sa 2010 Corruption Index na inihanda ng T.I. nasa ika-134th ang rank ng Pilipinas. Noong nakaraang taon ay ika-139th. Medyo umangat ang posisyon ng Pilipinas ngayong taon at hindi na masama. Siguro sa mga susunod na taon ay aangat pa hanggang sa matamo na ang kawalan ng corruption. Sana nga.

Ka-rank ng Pilipinas sa ika-134th ang mga bansang Azerbaijan, Bangladesh, Honduras, Nigeria, Sierra Leone, Togo, Ukraine at Zimbabwe. Ang mga bansang may pinakamalinis na gobyerno ay ang Denmark, Swirtzerland, at Singapore. Taun-taon, ang tatlong bansang ito ang lagi nang nangunguna sapagkat walang bahid ng corruption. Pinakamarumi naman ang gobyerno ng Somalia, Afghanistan, Myanmar at Iraq.

Hindi na masama na mapabilang sa 134th ang Pilipinas. Ibig sabihin, sa 300 araw ni President Noynoy Aquino sa puwesto ay umangat ang rank. Nasipat ng mga mata ng T.I. na mayroong nangyayari kung ang lebel ng corruption ang pag-uusapan. Kapag sa susunod na taon ay umakyat pa ang ranggo ng Pilipinas, ibig sabihin epektibo ang kampanya ng Aquino administration laban sa katiwalian.

Kailangang dagdagan pa ang pagtatrabaho ng gobyernong Aquino upang lubos na madurog ang mga gumagawa ng katiwalian at maisilbi ang tamang serbisyo sa mamamayan. Sa mga talumpati ni Aquino, lagi niyang sinasabi na ang tamang daan ang tatahakin ng kanyang administrasyon. Ang kanyang “boss” ay ang mamamayan. Hindi niya hahayaan ang mga kurakot at ang mga naghahari-harian.

Kapag nadama na ng mamamayan ang kaganapan ng mga ipinangako ni Aquino , siguro iyon ang simula para lubusang pagtiwalaan ang kanyang pamumuno. Kailangang madama muna ang sinasabing pag-unlad para lubusang ipagkaloob ang tiwala. At maraming naniniwala na malapit na nga iyon. Baka nga abot-kamay na. Sana nga sapagkat matagal nang umaasam ang nakararaming Pilipino.

vuukle comment

AQUINO

CORRUPTION

CORRUPTION INDEX

KAILANGANG

KAPAG

PILIPINAS

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SANA

SIERRA LEONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with