Ipinagmamalaki ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang isa sa pinakatagumpay na transshipment hubs sa bansa ang pagpapalakas sa kalakalan ng agrikultura at iba pang kaugnay na kabuhayan sa Hilaga at Gitnang Luzon.
Kasama sa pangunahing bahagi ng tagumpay na ito ay ang serbisyo ng iba’t ibang cargo handling companies sa loob ng SBMA.
Kaya naman ito ang pinagmamalaki nina Restituto Torres ng SSTI at Mario Lorenzo Yapjoco, pangulo ng AITSI.
Sabi ng dalawang big boss, ang tagumpay ng cargo handling business sa SBMA ang patunay kung paanong ang alituntunin sa kapaligiran ay hindi hadlang sa progreso ng nasabing place.
May kakayahan itong magpaunlad at may malaking tulong sa anumang kabuhayan
Ika nga, iyan ang SBMA!
HGC, himayin at kalkalin
KINONDENA ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera ang Home Guaranty Corporation kasi may anomalya dito kaya naman sa muling pagbubukas ng Kongreso sa November ay kakalkalin niya at hihimayin para ibulgar sa madlang people ang mga kagaguhan nangyari dito.
Sabi nga, hintayin!
Para sa madlang people na hindi alam ang function ng HGC, ito ay isang ahensiya ng government of the Republic of the Philippines my Philippines na nagbibigay ng mga garantiya sa mga pautang sa pabahay.
Ika nga, ng mga bright naging milking pot este mali cow pala ito ng mga sinasabing dorobo. Hehehe!
Sa gagawing pagbusisi sa rekord ng HGC sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Gonzalo Benjamin Bongolan, natitiyak natin na hindi “mabibigo” ang ating mga mambabatas kung kontrobersiya rin lang ang gusto nilang matuklasan.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sa discovery channel este mali nadiskubre pala baon sa utang ang HGC pero natuklasan ng Commission on Audit (COA), mahigit P224 million daw ang “isinubi” nitong grupo ni Bongolan para sa kanilang “separation package.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Si Bongolan at mga alipores nito ay may mga kaso na pala ng katiwalian sa Office of the Ombudsman.
Naku patay!
Marami rin umanong pinasok na mga kwestyunableng transaksyon ang HGC sa ilalim nitong si Bongolan na dapat lang talagang maliwanagan dahil apektado rito ang national budget ng Philippines my Philippines.
Ang gobyerno kasi ang “guarantor” sa mga transaksyon ng HGC kaya kung malugi o pumalpak ang mga transaksyong ito, ang madlang people sa Philippines my Philippines ang papasan ng bigat sa pagbabayad.
At sa pagsisiyasat ni Rep. Herrera, 2002 pa lang ay marami nang “sablay” sa mga transaksyon ng HGC!
Isa umanong halimbawa dito ay ang mga bentahan ng lupain ng HGC d’yan sa Vitas, Tondo, Maynila, kung saan may P300 milyon ang nasisilip na lugi ng gobyerno dahil “below the prevailing market prices” ang naging transaksyon!
Abangan.