^

PSN Opinyon

Internet para tumalino, at iba pa

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

Alam ba ninyo na ang paggamit ng internet ay puwedeng makatulong para ikaw ay tumalino? Ayon sa isang pagsusuri ni Dr. Gary Small ng Semel Institute for Neuro-science and Human Behavior sa University of California, ang paggamit ng internet ay may naitutulong sa paggana ng ating utak.

Kapag nag-browse ka sa internet, mapapagana ang iyong pag-iisip dahil kailangan mong hanapin ang iyong gustong paksa. Mapipilitan kang mag-isip at magdesisyon.

May kasabihan ang mga doktor na “Use it or lose it.” Ang ibig sabihin ay kapag hindi mo ginamit ang iyong utak ay manghihina ito at magiging mapurol. Ngunit kung lagi kang may iniisip at may proyekto, ay tatalas naman ang iyong isipan.

Sa pag-aaral ni Dr. Small sa 24 na tao, edad 55 hang­gang 78, ikinabit niya sa isang MRI scan machine ang mga tao habang gumagamit ng internet. Napatunayan ng mga doktor na ang mga gumamit ng internet ay napapagana ang iba’t ibang parte ng kanilang utak.

Ayon kay Dr. Small, kung kayo ay gagamit ng internet para mag-aral, may benepisyo ito sa inyong utak. Ngunit kung ang hahanapin ninyo sa internet ay pagsusugal at pag-shopping, baka hindi naman ito makatulong sa inyo. Mag-ingat din sa paggamit ng internet.

* * *

Mga dagdag payo para tumalino:

• Maglakad ng 45 minutos. Kapag tayo’y nag-eeher-sisyo, mas gumaganda ang sirkulasyon ng dugo sa ating katawan.

• Gamitin lagi ang ating pag-iisip. Magsagot ng crossword at mga puzzles.

• Kumain ng pagkaing pampatalino. Ang mga subok na brain foods ay mani, matatabang isda (tulad ng tuna,  tilapia, salmon, sardinas at tamban), abocado, olive oil, cocoa, spaghetti sauce at tomato sauce.

• Itanong sa doktor kung puwede kang mag-Aspirin. Kung ika’y may diabetes, sa­kit sa puso, o istrok, baka makatulong sa iyo ang aspirin 80 mg tableta bawat araw. Kumunsulta sa doktor.

• Magkaroon ng kaibigang mas bata at mas matanda sa iyo para lumawak ang inyong pananaw sa buhay.

• Labanan ang stress. Ta­wanan at dalhin ng magaan ang iyong mga problema.

• Mangarap nang manga­rap. Paganahin ang inyong utak.

• Alagaan ang iyong ulo. Iwasang mahulog o matumba. Magsuot ng helmet sa motorsiklo at bisikleta. Maglagay ng seatbelt para iwas sa aksidente. Huwag hayaang masuntok o mauntog ang iyong ulo.

• Kumunsulta sa doktor at magpa-check up bawat taon. Kapag malusog ang iyong katawan, siguradong masigla rin ang lagay ng iyong utak. Good luck.

AYON

BULL

DR. GARY SMALL

DR. SMALL

HUMAN BEHAVIOR

INTERNET

IYONG

KAPAG

KUMUNSULTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with