^

PSN Opinyon

Tagumpay ni SPO2 Fidel Geronimo (Huling bahagi)

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

“AGAD na nai-blotter si Tupaz sa barangay at dinala ng mga tanod sa Police Station 10. Doon na inimbestigahan si Tupaz ng mga pulis at kinabukasan ay sinampahan ito ng kasong illegal possession of gun replica at concealing deadly weapon. Ngunit makaraan ang humigit-kumulang dalawang buwan sinampahan ako ni Tupaz ng kasong attempted homicide, grave threats at unlawful arrest sa Ombudsman”.

Doon na nagsimula ang kalbaryo sa buhay ni SPO2 Fidel Geronimo matapos na siya’y i-relieved sa serbisyo bilang pulis. Ngunit hindi pinanghinaan ng loob si Geronimo na miyembro ng Manila’s Finest dahil malaki ang kan­yang paniniwala na ginampanan lamang niya ang kanyang sinumpaang tungkulin kaya sinita si Tupaz.

Maraming natanggap na commendations si Tupaz: 1.) Mula kay dating DILG secretary Rafael Alunan, for Cleansing the Country Capital City of Prostitution noong 1992; 2.) Mula kay Judge Lorenzo Venaracion, for Refusing Bribe Money noong Nov. 14,1992, Busting of Fake US Visa and Travel Document noong Aug. 10,1994, Raided Travel Agency with fake Visas noong June 17,1994; at 3.) Award of Appreciation and Recognation for Outstanding Service to the US Immigration na iginawad ng US Attache noong Oct. 8,1995.

Ang mga commendations na nabanggit at papuri sa kanyang katapatan sa serbisyo ang dahilan kaya lumakas loob ni Geronimo. Ang payo niya sa kapwa pulis, magtiwala sa Ombudsman dahil ito lamang ang tamang paraan upang malampasan ang panggigipit ng mga kalaban sa katulad nilang alagad ng batas.

vuukle comment

AWARD OF APPRECIATION AND RECOGNATION

BUSTING OF FAKE

CLEANSING THE COUNTRY CAPITAL CITY OF PROSTITUTION

FIDEL GERONIMO

GERONIMO

JUDGE LORENZO VENARACION

MULA

NGUNIT

OUTSTANDING SERVICE

TUPAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with