Beautiful Senator Drilon

HINIHILING ni Senator Frank Drilon kay DFA Secretary Alberto Romulo na isara ang ilang mga embahada natin na wala namang mga silbi tulad ng mga embahada natin sa Hungary at Poland dahil halos wala namang mga Pinoy ang naninirahan doon.

Beautiful ang kahilingang ito ng magiting na senador. Ako’y natutuwa at mukhang wala namang tutol si Secretary Romulo. Sana’y agarang maipatupad na ang kahilingan ni Drilon upang ang mga perang nasasa-yang sa mga walang silbing embahada ay magagamit na lang para sa kapakanan ng OFWs sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

May malasakit sa kapwa kong Ilonggo guid nga si Toto Frank sa OFWs. Bilang Secretary noon ng DOLE from 1987 to 1990 ni President Cory, siya ang nag-utos sa OWWA na magbukas na shelters para sa runaway housemaids sa mga bansang maraming nagtratrabaho bilang domestic helpers.

May isa pang dapat hilingin si Toto Frank kay Manong Bert: Pagtatanggalin at pauwiin na ang mga walang silbing mga Ambassador, Consul, Labor Attaches at Welfare Officers. May listahan kami sa OFW Family Club kung sino-sino ang mga PISOT sa Philippine Foreign Service.

PISOT as in Performance Inadequate, Slow and Overly Thoughtless. Paano kung babae, pisot din ba ? PISOT din ba ang turing natin sa kanila? Sige, puwede naman yata ang generic.

Binabati ko ang mga ginagalang na DFA Undersecretaries na sina Paeng Seguis at Chito Brillantes, Ambassadors Willy Gaa, Doy Lucenario, Domingo Siazon, Shulan Primavera, Teresita Barsana, Corazon Yap-Bahjiin, Labor Attache Resty de la Fuente, at Director Rody Gaspar. Mga tunay na maka-OFWs sila. Hindi sila mga PISOT.

Show comments