^

PSN Opinyon

Bangayan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

CORONA to Malacañang: “hostile Executive”. P-Noy to Supreme Court: “exercise judicial prudence”. House to Supreme Court: “undue interference”. House to Deles: “arrogant. Resign!” Lacierda to Dimaporo: “she is at war with herself”.

May iba na kapag mapakinggan ang ganitong bangayan sa pagitan ng tatlong malaking kagawaran ng gobyerno – sisigaw agad ng krisis! Krisis! Kung sila nadidismaya sa ganitong pangitain, ako naman ay kabilang sa mga natutuwa.

Ang lakas ng ating sistema ay ito mismong pagbabahagi ng kapangyarihan sa Executive, Legislative at Judicial Branches upang maiwasan ang pagkumpul sa kamay ng iisa at ang pag-iingat ng mga ito na mabantayan ang abuso ng bawat isa. Separation of powers na balansyado ng checks and balances. Kung paminsan minsa’y hindi sila nagkakaunawaan, patunay lamang ito na malusog ang demokrasya. Hindi ito dapat kinakatakutan.

Ang ganitong tensyon ay aasahan basta may nangyaya-ring bantayan. Wala itong kinaiba sa pikunang nagaganap kapag nagdedepensang full court press sa basketball. Huwag lang ito hayaang lumala. Itong pagbabantay ang tunay na nagbibigay buhay sa pananaig ng batas (rule of law). Kapag wala nitong “lambingan”, hindi mahahalata ang mga kahinaan ng sistema at hindi mapipigilan ang abuso. Sa huli, ang lipunan mismo ang makikinabang.

May merito rin kapag matiwasay na pakikipagrelasyon ng tatlo. Maaari itong signos na walang kalokohang nangyayari kaya walang ingay na naririnig. Pero maaari ring ang tatlo’y nakikipagsabwatan at hindi natin nahahalata’y naoonse na pala ang taumbayan tulad nang naganap sa nakaraang administrasyon. Maaalalang naging malawak ang pagkasuya sa pamahalaan ni GMA, kasama na ang House at ang Supreme Court na itinuring na kakutsaba. Tanging ang Senado ang naiwang malinis sa mata ng lipunan.

Kaya ako natutuwa kapag ganitong nagkakainitan. 

Dahil ang mas mala-king issue kapag sila’y nagbabangayan ay hin­­di ang karapatan ng ba­wat isa at kung ka­ninong teritoryo ang da­­­­pat manaig kung hindi ang mismong ka-bu­luhan ng Saligang Ba­tas. Kailangan ang pagkasigasig ng bawat isa sa pagtanggol na kani-kanilang teritor­yo. Kapag makawawa ang isa, ang balanse ng sis­tema ay maapek­tuhan. At kapag ganito ang mangyari, ang Sali­gang Batas mismo ang pinakamalaking biktima.

BATAS

DAHIL

DIMAPORO

HUWAG

JUDICIAL BRANCHES

KAPAG

SALIGANG BA

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with