^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mauubos ang hepe sa 'one-strike policy'

-

DATI nang ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) ang “one-strike policy” laban sa jueteng. Ibig sabihin nito kapag sa jurisdiction ng hepe ng pulis ay nagkaroon ng jueteng, sibak agad siya sa puwesto. Wala nang tanung-tanong pa. Marami nang nasibak na hepe ng pulis mula nang ipatupad ang “one-strike policy”. Pero ang nangyari, kahit palit nang palit ang hepe ng pulis dahil nagkaroon ng jueteng sa nasasakupan, ang problema ay naroon pa rin. Madali lang naman na maglagay ng chief of police sa isang lugar. Bubunutin lang ang hepe at papalitan ng bago. Kaya ang nangyari, laging bago ang hepe ng pulis ang problemang jueteng ay iyon pa rin.

Kaya wala pa ring katapusan ang problema sa jueteng. Ang problema noon ay problema pa rin ngayon. Kaya nga kahit na pumasok na sa problemang jueteng ang Senado, wala pa ring katiyakan kung mareresolba ito. Marami nang laway ang naubos dahil sa imbestigasyon pero walang narating. Nasasayang lang ang oras. Noong nakaraang linggo ipinatawag ng Senado ang mga nasasangkot sa jueteng pero hindi dumalo. Kabilang sa pinatawag si Pampanga Gov. Lilia Pineda. Inisnab ni Pineda ang jueteng inquiry.

Kaya kung meron mang makakaresolba para tuluyan nang mawala sa kultura ng mga Pinoy ang jueteng, iyan ay ang PNP. Ang PNP ay nakamanman sa mga nangyayari sa isang komunidad o siyudad kaya nalalaman nila ang galaw ng mga tao. At gasino nang malaman kung mayroong pa-jueteng sa lugar. Ang PNP ang tunay na may nalalaman sa jueteng at wala nang iba pa.

Sabi ni PNP chief Dir. General Raul Bacalzo, hindi siya mangingimi na sibakin ang mga hepe ng pulis na mapapatunayang may nagaganap na jueteng sa kanyang nasasakupan. Isang “strike”lang ng jueteng sa lugar at siguradong sibak ang hepe.

Noong Lunes, dalawang police chief sa dalawang bayan sa Laguna ang sinibak sa puwesto. Lantaran ang pa-jueteng sa Alaminos at San Pablo City kaya naman nagsagawa ng paniniktik ang mga awtoridad at napatunayang lumabag ang dalawang hepe ng pulis.

GENERAL RAUL BACALZO

HEPE

JUETENG

KAYA

LILIA PINEDA

MARAMI

NANG

NOONG LUNES

PAMPANGA GOV

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with