^

PSN Opinyon

Mike Velarde saan ka na?

- Roy Señeres -

ITONG si Bro. Mike ng Catholic charismatic group na El Shaddai ay tumakbo bilang kongresista sa Buhay Party list noong nakaraang halalan, bagama’t ayon sa Saligang Batas, bawal sa isang religious group o leader na sumali sa partisan politics. Ang plataporma ni Bro. Mike noong panahon ng pangangampanya ay pro-life raw siya. Kaya siya raw ay anti-contraceptive at anti-abortion kuno.

 Laman ng election posters niya ang nakangising mukha na may kandong na bata at may mga slogan na nagsasabing “Tagapagtanggol ng mga sanggol, buhay hayaang yumabong”. Nanalo ang Buhay Party list at may dalawang kongresista ngayon na nakaupo sa Kongreso. Ngunit sa harap ng mainitang debate ngayon tungkol sa RH bill na nagpapanukala na gawing legal ang contraception at iba pa, masyadong tahimik si Bro. Mike, at ang dalawang kongresistang nominado niyang umupo sa Kongreso na sina Michael Velarde, ang bunsong anak niya na tila chairman na yata ngayon ng committee on silence at si Irwin Tieng, na ang mga panukala ay anti-texting while driving at anti-video while having sex. Wala akong naririnig na tinututulan nila ang RH bill.

 Noong 12th and 13th Congresses, nilabanan ng aking anak na si Congressman Christian M. Seneres ang RH bill. Tumatayo siya madalas at nakikipag-debate noon sa mga batikang debater na tulad nina Kongresista Edcel Lagman, Nereus Acosta at Noynoy Aquino. Kaya di pumasa ang RH bill na iyan dahil sa masugid at artikuladong pagtututol ng anak ko who was the youngest member of Congress during the 12th and 13th Congresses.

Sa tuwa ng Catholic Church, ginawaran siya ni

Cardinal Ricardo Vidal ng Blessed Pedro Calungsod award. Kung sa bagay alam natin na ang pamahalaang P-Noy ay mukhang pabor sa RH bill. Kaya marahil ayaw ni Velarde ang sumasalungat sa kasalukuyang pamahalaan ay dahil baka masilip pa iyong mala-Globe Asiatique na pagkakautang niya sa Pag-IBIG Fund at ang pagkasangkot nya sa C5 anomaly na tila iimbestigahan din ng Truth Commission. Itong si Bro. Mike ay dugay na sa Maynila pero tila tonto pa gihapon. Pati mga sanggol natotonto ng mamang ito.

BLESSED PEDRO CALUNGSOD

BUHAY PARTY

CARDINAL RICARDO VIDAL

CATHOLIC CHURCH

CONGRESSMAN CHRISTIAN M

EL SHADDAI

GLOBE ASIATIQUE

IRWIN TIENG

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with