KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay muling nagpupugay sa overseas Filipino workers (OFWs) na patuloy na nagpapasok nang napakalaking remittance sa ating bansa.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), inaasahang aabot sa $19 bilyon ang remittance ng OFWs ngayong 2010 kumpara noong nakaraang taon na $17.348 bilyon.
Sinabi ng BSP na ang malakas na paglago ng remittance ay bunsod ng pagbangon ng ekonomiya ng mundo, kasabay naman ng pagtaas ng skills at katapat na suweldo ng OFWs.
Ang naturang positibong pagtaya ng BSP ay sinuportahan naman ng World Bank alinsunod sa inilabas nitong study na pinamagatang “The Day After Tomorrow” tungkol sa pagbawi ng mundo mula sa tinaguriang global economic crisis. Base sa naturang WB study, ang mga developing country, kabilang ang Pilipinas, ay inaasa-hang magkakaroon ng patuloy na paglakas ng remittance ngayong taon at hanggang sa 2011.
Napakagandang balita nito, laluna’t alam naman nating lahat na ang remittance ng OFWs ang laging nagtataguyod sa ekonomiya ng ating bansa.
Si Jinggoy, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development at ng Congressional Oversight Committee on Labor and Employment (COCLE), ay patuloy na iginigiit na dapat gantihan ng ating pamahalaan ang kontribusyong ito ng OFWs sa pamamagitan naman ng magandang serbisyo sa kanila at sa kanilang pamilya.
Samantala, binabati ko ang mga kaibigan ng pamilya Estrada, partikular ang nagdiriwang ng kanyang ika-10 taong kaarawan ngayong Oktubre 16 na si Ma. Veronica dela Cruz Balbin ng Block 8, Lot 30, Phase 2 Diamond Drive, Celina Homes 1, Camarin, Caloocan City. Siya ay anak ng butihing mag-asawang sina Buddy at Rita Balbin. Happy Birthday, Ma. Veronica! Mabuhay ang pamilyang Balbin!