^

PSN Opinyon

'Wanted: Pulis.'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HINDI lamang hulidap ang maituturing na isang proble-ma na kinasasangkutan ng ilang pulis sa ating bansa.

May mangilan-ngilan, hindi nararapat sa kanilang tungkulin dahil hindi paglilingkod sa publiko ang adhikain. Kundi pagkakaroon ng kapangyarihan sa likod ng uniporme ng Philippine National Police.

Marami na ang naitalang pang-aabuso at pananamantala ng ilang otoridad, hindi lamang pulis.

At mas marami naman ang hindi na nairereport pa dahil sa takot ng mga biktimang magreklamo at banggain ang mga otoridad na umapi sa kanila.

Ang ibig sabihin ng BITAG, meron pang nasa hanay ng mga otoridad natin sa bansa na ginagamit ang kani-      lang uniporme at katungkulan bilang lakas at kapangyarihang magawa ang gusto nila sa lipunan.

Isang kasong maihahalintulad ang pagkakahuli sa wanted na pulis na si SPO1 Geronimo Cestina.

Kasama ang BITAG sa isinagawang operasyon kamakailan ng National Capital Region Police Office- Regional Police Intelligence Operatives Unit (NCRPO-RPIOU) kung saan nadakip ang suspek.

Isang napagkamalang holdaper ang kanyang biktima, taong 2002 pa sa Batasan Quezon City.

Ayon sa ginang na ina ng biktima, napagkamalan umanong holdaper ang kanyang anak nang maabutan ito ng tropa ni SPO1 Cestina.

Manghihiram lamang sana noon ng sapatos ang kanyang anak na gagamitin sa graduation nang hindi sinasadyang tumakbo sa kanyang dinadaanan ang holdaper.

 Dito na raw binaril sa dibdib ang kanyang anak at kinaladkad papasok ng patrol ng Barangay. Nahulog pa raw ang kanyang anak mula sa sasakyan.

Hindi agad dinala ang sugatang anak sa ospital, nagpaikut-ikot pa raw ang tropa ni SPO1 Cestina. Dito, dead on arrival ang biktima pagdating sa ospital.

Sa imbestigasyon ng BI­TAG, may foul play na naganap. Lumalabas, may personal na galit si SPO1 Cestina sa pamilya ng biktima.

Taong 2007 nang magkaalitan ang ama ng biktima at ng pulis na si SPO1 Cestina na umabot sa bara-ngayan.

Isang gabi umano, bigla na lamang pinasok ang bahay ng biktima at hinuli ang kanyang ama ng walang warrant of arrest.

Bagamat nahuli na nitong Oktubre 9 ang suspek na pulis na si SPO1 Cestina, hawak naman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang kasong ito para sa hustisyang nais ng pamilya ng biktima.

Kaya naman, narara­pat na paigtingin ng PNP hindi lamang ang aspetong moral at propesyunal nang bawat pulis sa ating bansa.

Kundi lalo ang spirituwal na aspeto na ito upang magkaroon ng takot na gumawa ng masamang gawain sa publikong kanyang pinagsisilbihan.

Hindi sapat na asahan ang batas para magparusa sa ilang pulis na katulad sa kasong ito, dahil pu­we­­de nila itong taguan, puwedeng takbuhan, at ang pinakamasaklap kapag nagkabaliktaran. 

BATASAN QUEZON CITY

BIKTIMA

CESTINA

DITO

GERONIMO CESTINA

ISANG

KANYANG

KUNDI

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with