^

PSN Opinyon

'Kaparaanan ng batas'

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

SIGE, huwag muna nating husgahan ang naging resolus-yon ng presidente sa Luneta hostage crisis. Pihadong may kanya-kanya tayong opinyon, maging personal na higing o batay sa sariling pag-unawa sa batas. Pag-usapan na lamang ang mangyayari ngayong pormal nang nagbigay ang presidente ng order na kung sino ang kakasuhan at sinong hindi. Tulad ng naisulat ko na dati, hindi yata tama ang prosesong sinunod at susundin.

Halimbawa, kay Mayor Fred Lim. Nang nag-leak ang IIRC report at ang rekomendasyon nitong sampahan ng kasong kriminal at administratibo si Mayor, nagtaka ako at nagtanong: Halos convicted na siya sa tenor ng report at sa mata ng publiko ng lupong pinangungunahan ng DOJ Secretary, ano pa ang maaasahan nitong katarungan kung sa DOJ din dadaan ang kasong isasampa dito? Bilang isang akusadong may karapatan, paano ito lalaban ng patas gayong ang nagrekomenda na sampahan siya ng kaso ang siya ring huhusga kung may sapat na ebidensiya para rito?

Ngayong nagsalita na ang presidente, binaliktad ang rekomendasyon at iniutos ang pagsampa ng kasong administratibo lamang laban kay Mayor sa ilalim ng Local Government Code (LGC). Solved ang problema? Hindi. Dahil sa LGC, ang kasong administratibo laban sa Mayor ng Highly Urbanized City tulad ng Maynila ay dapat isampa sa Office of the President. Same situation. Anong katarungan ang maaasahan ni Mayor kung ang tanggapan ng presidente na magdedesisyon ang siya ring nag-uusig?

Ang konsepto ng IIRC ay maganda sana. Pero dapat ay hanggang fact-finding lang ang mando nito. By invitation lang naman ang pagsipot dito. Walang akusasyong sinagot ang mga bisita, walang reklamong pinaghandaan. Kung kailangan magbigay ng rekomendasyon, sana’y hindi ginawang publiko ang resulta bago napagpasyahan ng presidente. Sa pagka-high profile ng mga hearing nito, sino ba naman ang hindi makakaintindi na anumang rekomendasyon ng IIRC ay katumbas na rin ng isang conviction o panghabambuhay na mantsa sa pangalan ng opisyal?

Sa pagmamadali ng pa-mahalaang magpakita ng desididong aksyon sa Luneta Hostage Crisis, na-hostage din nito ang pinakamahala-gang karapatan ng mamamayan sa ilalim ng Bill of Rights sa Konstitusyon, ang due pro­cess of law.

ANONG

BILANG

BILL OF RIGHTS

DAHIL

HALIMBAWA

HIGHLY URBANIZED CITY

LOCAL GOVERNMENT CODE

LUNETA HOSTAGE CRISIS

MAYOR FRED LIM

OFFICE OF THE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with