^

PSN Opinyon

Kampanyang barangay at SK, simula na

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MAMAYANG hatinggabi simula na ng kampanyahang barangay at Sanguniang Kabataan. Tiyak dadami na naman ang karahasan oras na magpatumpik-tumpik ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang tungkulin. Ito kasing Barangay at SK election ang pinakamadugo sa lahat ng halalan dahil karamihan sa mga nagbabanggaang partido ay magkadugo, magkaibigan at magkapitbahay lamang kung kaya madaling magkrus ang landas ng mga ito. At ang higit sa lahat ay magkakilala ang mga alipores at supporters ng mga ito na madaling magpanagpo sa kalye, kaya kadalasan bakbakan ang nangyayari.

Paano ito masasawata ng PNP at AFP kung ngayon pa lang ay mismong mga Gabinete ni P-Noy ang nagpapakitang hindi magkasundo? Nagsisimula nang lumabas ang tunay na kulay, ika nga’y nalalapit nang maghalo ang balat sa tinalupan na makasisira sa magandang programa ni P-Noy sa mga naghihikahos na Pilipino. Nagpupukulan ng akusasyon ang dalawang alipores kaya nakangisi ngayon ang mga kalaban ng administrasyon.

Lumihis na ang landas nina Department of Interrior and Local Government (DILG) Sec. Jess Robredo at Usec Rico Puno kaya maging si P-Noy ay pumupugak-pugak sa paglakbay sa matuwid na landas. Sino kaya sa dalawa ang mananatili sa puwesto, si Robredo ba na samu’t sari ang intriga dahil sa jueteng isyu o si Puno na walang ginawa para mapahupa ang nag-alburutong si Sr. Insp. Rolando Mendoza na pumatay ng 8 Hong Kong nationals noong August 23? Mukhang matira ang matibay sa dalawa.

Parehong pinagkakatiwalaan at malapit sa puso ni P-Noy sina Robredo at Puno. Ayon sa aking mga kausap, malaki ang naitulong ng dalawa para mailuklok sa puwesto si P-Noy. Dahil sa sigalot, nakatingala sa ngayon ang mga pulis at sundalo sa hidwaan ng dalawa. Kung magpapatuloy ang bangayan, tiyak na malaki ang maidudulot na kalituhan sa kanilang tropa. Hindi naman lingid na bawat kandidato ay sinusuportahan ng mga trapong pulitiko kaya makakaapekto ito sa bawat kilos ng kapulisan at kasundaluhan para mapangalagaan ang mga kandidato sa Barangay at SK.

Ang payo ko sa mga tumatakbong Barangay at SK ayusin ang inyong hanay at huwag idaan sa init ng ulo upang maging matiwasay ang inyong pangangampanya at maiwasan ang pagbuwis ng buhay. Kayo diyan sa Comelec, simulan na ang paglilibot at ipatupad ang patas na pananaw sa ating mga kandidato. Huwag hayaang lumala ang problema bago kumilos.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF INTERRIOR AND LOCAL GOVERNMENT

HONG KONG

JESS ROBREDO

P-NOY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUNO

ROBREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with