^

PSN Opinyon

MTRCB Chairperson Grace Poe-Llamanzares

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

AKO, ang aking anak na si Senate President Pro Tem-pore Jinggoy Ejercito Estrada at buong pamilya Estrada ay natutuwa at sumusuporta sa ginawang pagpili ni President Noynoy Aquino III kay Grace Poe-Llamanzares bilang bagong pinuno ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Pormal nang inanunsyo ng Malacañang ang pagtalaga kay Grace kapalit ni outgoing MTRCB chief Consoliza Laguardia.

Si Grace ay anak ng yumaong si Fernando Poe Jr. (FPJ) na kinilalang “King of Philippine movies” at taga­pagtaguyod mismo ng industriya ng pelikulang Pilipino. Siya ay nag-aral sa Amerika kung saan ay nagtapos ng political science sa Boston College. Nagsisilbi rin siyang operating officer at treasurer ng FPJ films.

Napakatumpak at napapanahon ang pag-appoint kay Grace sa MTRCB. Matatandaang isa si Jinggoy sa mga solidong nag-endorso kay Grace para maging pinuno ng naturang ahensya. Una nang sinabi ni Jinggoy na “highly qualified” si Grace para sa nasabing poosisyon. Ayon pa                kay Jinggoy, “She’s very intelligent; she’s tailor fit for the job.”

Malaking bentahe rin naman na mismong si Grace ay pursigido at handang gampanan ang tungkulin sa MTRCB. Naniniwala rin kasi siya na ang maayos at epek­tibong pamumuno sa naturang ahensya ay maka-tutulong upang muling mapasigla ang industriya ng pelikulang Pilipino. Mahal na mahal ni Grace ang naturang industriya na pinangunahan mismo noon ni FPJ ang pagtataguyod. Ang pagganap ni Grace sa MTRCB ay suportado rin ng kanyang inang si Susan Roces na isa rin sa mga itinuturing na haligi ng Philippine showbis.

Inaasahang magiging maayos ang turnover ng pamunuan ng MTRCB dahil iginagalang din naman ni La Guardia ang paghirang ng pangulo kay Grace.

Umaasa ako na ang pag-appoint kay Grace bilang pinuno ng MTRCB ay simula ng marami pang konkretong hakbang upang maitaguyod ang industriya ng pelikulang Pilipino na sa mahabang panahon na ay nagdanas nang matinding pagtamlay.

Mabuhay si MTRCB chair­person Grace Poe-Llamanza­res! Mabuhay ang industriya ng pelikulang Pilipino.

BOSTON COLLEGE

CONSOLIZA LAGUARDIA

FERNANDO POE JR.

GRACE

GRACE POE-LLAMANZA

GRACE POE-LLAMANZARES

JINGGOY

MTRCB

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with