^

PSN Opinyon

Sinabi ba o hindi?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

SA mga TV at pahayagan, inulat ang naging panayam ni CBCP President Bishop Nereo Odchimar kung saan sinabi niya ang mga puwedeng mangyari kapag isinulong ni President Aquino ang programa ng artipisyal na family planning sa bansa. Sa mas malinaw na salita, sinabi niya ang puwedeng mangyari sa mga taong magpipigil sa pagbubuntis, maliban sa paraan na apruba ng Simbahang Katolika, ang natural na pamamaraan. Anumang artipisyal na pamamaraan ay sinisimangutan ng simbahan. Sa mata ng simbahan, parang naglaglag ka na rin ng sanggol kapag gumamit ng artipisyal na paraan, at dahil malubhang kasalanan iyon, pwede kang matanggal sa komunidad ng simbahan, at hindi ka na maaaring magsimba at tumanggap ng anumang sakramento. Excommunication ang tawag dito, ang pinaka-malubhang parusa na pwedeng ipataw sa isang Katoliko.

At tila nilalabas na ng simbahan ang malakas na sandatang ito, sa kanilang laban sa pagkontra sa RH Bill, na sa tingin nila ay labag sa mga pagtuturo ng simbahan. Kaya sa panayam ni Bishop Odchimar, maaari raw ma-excommunicate si Pangulong Aquino kung ito nga ang kanyang katayuan ukol sa family planning. Pero, ilang araw matapos malagay sa halos lahat ng media ang banta, madiin na itinanggi ni Odchimar na binabantaan niya ang presidente, at mali raw ang media sa pagkaintindi sa kanyang mga sinabi ukol sa excommunication. Media na naman ang mali? Sinabi ba o hindi? Kayo na ang humusga.

Nagiging mainit na ang diskusyon ukol sa pagkontrol ng populasyon ng bansa. Higit 90-milyon na ang populasyon ng Pilipinas. Ang Canada ay 34-milyon lang, pero di hamak na napakalawak ng Canada kaysa sa Pilipinas! Kaya mahalaga na ngayon pa lang, may kontrol na ang populasyon ng bansa, at baka sumobra na ang tao at maging India o Bangladesh na rin tayo sa dami ng tao para sa isang maliit na lugar. Dito nagbabanggaan na ang simbahan at ang gobyerno. Maganda naman ang intensyon ng gobyerno. Para sa mamamayan rin ng bansa ang tamang dami ng tao. Pero pumapasok na rin ang simbahan sa isyu, dahil nga sa paraang pagplano ng pamilya at pagpipigil ng pagbubuntis. At nilalabas na ang pinaka-matinding sandata para labanan ang isyu. Sinong Katoliko ang may gustong malagay ang kanyang kaluluwa sa alanganin? Pinipihit na ba ng simbahan ang kamay ni President Aquino sa isyung ito?

ANG CANADA

BISHOP ODCHIMAR

KAYA

PANGULONG AQUINO

PERO

PILIPINAS

PRESIDENT AQUINO

PRESIDENT BISHOP NEREO ODCHIMAR

SIMBAHAN

SIMBAHANG KATOLIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with