^

PSN Opinyon

Nalingat na naman ang mga pulis

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MINSAN, ang labis na pagsasaya’y nauuwi sa trahed­ya dahil ito ang pagkakataon na sinasamantala ng ilang traidor. At dahil naging kampante ang mga pulis, napabayaan nilang subaybayan ang kilos at galaw ng mga estudyante at mga taong nasa bisinidad ng pinadadausan ng bar exams noong Linggo. Dapat hinigpitan nila ang pagmamanman sa kampo ng fraternities. Uma­bot sa 44 estudyante ang nasugatan nang sumambulat ang isang hindi pa batid na pampasabog na inihagis sa mga estudyanteng nagkakasiyahan sa Taft Avenue malapit sa gate ng De La Salle University pasado ala-5 ng hapon. Nalingat na naman ang mga pulis kaya nakalusot ang mga fraternity. At iyan ang tinututukan ngayon ni MPD Officer-in-Charge Chief Supt. Roberto Rongavilla.

Binuo ni Rongavilla ang “ Special Operation Task Group 2010” na pinamumunuan ni Supt. Francisco Gabriel, hepe ng Malate Police Station (PS9) kasama ang buong tropa ng MPD na sina Supt Francisco Supe (SOCO), Supt. Ernesto Fojas (Intel), Insp. Armando Macaraeg (Homicide), Chief Insp. Alberto Peco (CIDG-WMMCIDT), Chief Insp. Oliver Navales (EOD) at Chief Insp. Erwin Margarejo (Spoke-person) upang matutukan ang pangyayari. Bagamat huli na ang mga pulis, makaaasa umano ang mga biktima na mabibigyan nila ng tamang imbestigasyon at matutukoy kung anong grupo ang responsable. Sa ngayon ay abala ang mga pulis sa pagkalap ng ebidensiya sa pinagsabugan sa Taft Avenue, Malate at ang ilan naman nakatutok sa Ospital ng Maynila, Manila Doctors Hospital, Philippine General Hospital, Manila Adventist Medical Center at Manila Sanitarium sa Pasay City na pinagdalhan ng mga nasugatan.

Marami ang dismayado sa naturang pangyayari dahil taon-taon na lang may nangyayaring banggaan ang dalawang fraternities subalit wala umanong napaparusahan kung kayat hindi mawala sa isipan ng ating mga kababayan na puro moro-morong imbestigasyon na naman ang magaganap. Malaking hamon ito sa kakayahan ni Rongavilla dahil kung wala na naman mangyayari sa imbestigasyon tuluyan ng malulugmok sa kahihiyan ang Manila Police District na tinataguriang “Trahedya of the Philippines”. Mantakin n’yo mga suki, hindi pa man nakakaahon ang MPD sa madugong hostage taking sa Quirino Grandsdtand eh, muli na namang sumambulat sa mga kumuha ng bar exams. Sanay maging leksyon itong nangyaring pambubomba sa De La Salle sa mga pulis upang hindi na muling maulit ang pangyayari.

ALBERTO PECO

ARMANDO MACARAEG

CHIEF INSP

DE LA SALLE

DE LA SALLE UNIVERSITY

ERNESTO FOJAS

ERWIN MARGAREJO

FRANCISCO GABRIEL

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with