^

PSN Opinyon

Kawawa, nasa witness protection program

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

NAAAWA ako sa mga nasa witness protection program (WPP). Nasusuong ang kanilang sarili sa kapahamakan gayung ang layunin lamang nila ay makatulong sa gobyerno. Gusto nilang ang mga nagkasala ay madakip at maparusahan. Karamihan sa mga nasa WPP ay iniiwanan at wala man lamang nakakamit na tulong sa gobyerno.

Napanood ko kamakailan sa TV si Sandra Cam, witness sa jueteng operation. Dapat inaruga siya at binigyan ng protection program ngunit pinabayaan. Ni wala man lamang naibibigay na barya sa kanya upang maitustos niya sa kanyang pagtatago mula sa mga gustong pumatay sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sinabi ni Sandra na siya na rin ang tumutulong sa ibang katulad niyang nasa witness protection program na dapat sana ay tinutulungan ng gobyerno. Sa awa niya sa mga ito, inaabutan niya ang mga ito ng kung ano ang makaka-yanan niya na galing sa kaunti niyang kinikita.

Kapani-paniwala ang mga sinasabi ni Sandra. Harap-harapang isinisiwalat niya sa TV na reklamo laban sa gobyerno. Ganito rin ang nangyari sa iba pang whistleblowers gaya ng dayaan sa eleksiyon sa Mindanao o ang “hello Garci”. O ang tungkol sa NBN/ZTE deal kung saan kumanta si Jun Lozada vs. Arroyo, Comelec Chairman Benjamin Abalos, Neda Sec. Neri at iba pang mga malalakas na tao sa Arroyo administration. Balita ko, mga NGOs at mga private citizens ang tumutulong kay Lozada at hindi gobyerno. Maalaala sana ni President Aquino ang WPP. Napakahalagang bagay nito para mabig­yan ng proteksiyon ang mga taong tumutulong na maging malinis ang bansa. Humahanga ako kina Sandra at iba pang sumusuong sa panganib para sa ikabubuti ng bansa.

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COMELEC

DAPAT

GANITO

GARCI

JUN LOZADA

NEDA SEC

PRESIDENT AQUINO

SANDRA CAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with