^

PSN Opinyon

Walang kamatayang salot

K KA LANG? - Korina Sanchez -

PANAHON ng paglalabas ng listahan ng mga sangkot sa jueteng. Matapos ilabas ni retired Archbishop Oscar Cruz ang kanyang listahan ng mga nasa likod ng jueteng, may sariling listahan din si Sen. Miriam Defensor-Santiago na kanyang ibinunyag sa isang pri­vilege speech sa Senado. Mas mahaba ang kanyang listahan pero may mga kaparehong pangalan sa naunang listahan ni Archbishop Cruz. Kung baga, mas “puno” ang listahan ng senador!

At alam naman ng lahat ang tindi ng galit ni Sen. Santiago kay dating DILG Sec. Ronnie Puno, na sinisisi niya na nasa likod ng kanyang pagkatalo noong tumakbo siya bilang presidente noong 1992. Sa kanyang talumpati, sa kahit anong administrasyon, ang mga pinuno ng PNP at DILG ang mga kumukupkop at nagbibigay proteksiyon sa mga jueteng lords, kaya sila lagi ang nilalapitan at inaalagaan. Bukod sa kanila, mga matitigas na mayor, kongresista at gobernador ang sumusunod sa linya.

Pinatutunayan lang ng jueteng na matibay ang ilegal na sugal sa buong bansa, kahit sino pa ang nasa gobyerno. Kahit gobyerno pa ni P-Noy. Hindi mawala-wala ang salot na ito dahil hindi mawala-wala ang mga nagbibigay proteksiyon mula sa matataas na posisyon sa gobyerno. Sa mga rebelasyon, partikular ang pagkakasangkot ng pangalan ni Usec. Rico Puno, pinatutunayan lang muli na ang mga nasa likod ng jueteng ay lumalapit sa mga taong pinaniniwalaan nila na may kapangyarihang tulungan silang maipagpatuloy ang kanilang industriya. Inamin mismo ni Puno na may mga nagparamdam sa kanya ukol sa jueteng. Sa ngayon, iaalay na raw ni Puno ang kanyang pagbibitw sa tungkulin sa pagbalik ni P-Noy. Tama lang at na kay P-Noy na kung tatanggapin ito o patuloy na magtitiwala sa matalik niyang kaibigan. Karapatan ng presidente iyon.

Ang dapat gawin ay labanan ng harapan ang jue-   teng. Linikha ang Small Town Lottery o STL para pabagsakin sana ang jueteng. Pero ayon sa marami, tila nagsilbing panakip lang ang STL sa operasyon ng jueteng. Siguro ibang taktiko na ang kailangan. Palakasin nang husto ang STL. Gawing mas maakit ang laban at premyo, para wala nang tumaya sa jueteng. Tandaan na walang napupuntang porsyento ng jueteng sa gobyerno, sa kabila ng STL na gobyerno ang nagpapatakbo. Kung legal na, hindi na kakailanganin ng mga padrino o proteksyon ng mga opisyal sa gobyerno. Wala nang masasangkot sa ilegal na sugal. Walang masisirang mga pangalan at reputasyon. Hindi na mabibigyan ng sakit ng ulo si P-Noy. 

ARCHBISHOP CRUZ

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

JUETENG

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

P-NOY

PUNO

RICO PUNO

RONNIE PUNO

SMALL TOWN LOTTERY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with