^

PSN Opinyon

That's the way the ball bounces

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

SA mga insidente tulad ng Luneta hostage-taking, tama lamang ang ginawa ng nasyonal na gobyerno na bumuo ng isa ring nasyonal na Crisis Management Committee. Sa ganitong kalaking pangyayari, kailangan ang tulong tulong na kakayanan mula sa pinakamagagaling sa bu-ong bansa para hindi lamang malimita sa lokalidad kung saan ito nangyayari.

Sa paglabas ni IIRC report, mga opisyal ng lokalidad ang nabubuntunan ng sisi. Lalaking tinanggap ito ni Ma­-yor Alfredo S. Lim: That’s the way the ball bounces. Pero ang tanong: Who dropped the ball?

Ang pag-imbestiga ay karapatan at katungkulan ng ehekutibo. Sino ang ayaw sa fact-finding? Ika nga, the truth will set you free. Subalit kapag ang FACT FINDING ay naging FAULT FINDING, iba na ang usapan. Sa tenor ng Report (mga katagang “miserably failed”, “utter disregard”, etc.) — hindi ito ang mga salitang ginagamit ng isang “factual” na dokumento. Malinaw na higit sa paghahanap ng katotohanan ay naghanap ng kasalanan.

Ang tungkulin ng isang fact-finding body ay ang alamin ang tunay na pangyayari. Wala itong lisensya para manghusga kahit pa sa ikatutuwa ng taga ibang bansa. Kung ang mismong Kalihim ng DOJ ang nagrekomenda na sampahan ang kaso, para na rin itong nahusgahan bago pa maimbestigahan ng mga prosecutor na kawani ng DOJ. Malabo ata ang due process natin dito.

At kung pananagutin siya bilang alkalde, may implikasyon din ito sa usaping local autonomy. Sa Saligang Batas, ang relasyon ng Pangulo sa mga pamahalaang lokal ay supervision lamang at hindi control. Sina Puno, Versoza, Magtibay ay lahat bahagi ng Executive Department at kahit anong oras maaring sipain at panagutin.

Hindi ganito ang relasyon ni P-Noy kina Ma-yor Lim at Vice Mayor Moreno. Ang pangunahing pananagutan ng huli ay sa mga botante ng Maynila at hindi sa Malakanyang.

Higit sa lahat, mali na panagutin ang lokal na pamahalaan dahil hindi ito local crisis. Mismong ang IIRC report ang nagkumpirma na walang patakaran kung kailan masasabing lokal o nasyonal ang isang krisis. Ayon sa report, si P-Noy ay natimbrehan nang may foreign hostages umaga pa lang. Sa puntong iyon, naging nasyonal na ang crisis management.

May pagkukulang, may pagkakamali. Ika nga ni Mayor, mayroong kapalpakan. Tapos na ang yugtong iyan. Dapat pag-isipang mabuti ng Malakanyang ang gagawin sa mga rekomendasyon ng IIRC report, para maiwasan ang mas malaking kapalpakan — ang pagpapa­nagot sa mga lokal na opisyal sa isang nas-yonal na kapalpakan.

ALFREDO S

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

EXECUTIVE DEPART

IKA

MALAKANYANG

P-NOY

SA SALIGANG BATAS

SINA PUNO

VICE MAYOR MORENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with