^

PSN Opinyon

Tapos na ang car smuggling sa Subic Freeport (sana!)

- Al G. Pedroche -

KONTROBERSYAL noon ang Subic Freeport sa mga alegasyon ng smuggling. Di nga ba noong nakaraang taon ay sandamakmak na mga luxury cars na umano’y ipunuslit sa Subic ang pinagwawasak? Sabi ng iba, “ceremonial” lang ang pagsira sa mga mamahaling sasakyan dahil nabuking. Ewan kung saan napunta yung mga hindi nasirang BMW, Chedeng at iba pa!

Ang problema sa smuggling ay bagay na pinagtutuunang pansin ngayon ng Aquino administration para huwag nang maulit pa. Dapat lang manindigan si P-Noy sa battle-cry nito na “kung walang kurap, walang mahirap.”

Sa kabila ng ilang pangit na pangyayari kamakailan, nakita ang pamamayagpag ng kalakalan. Pati piso ay lumalakas at patuloy na sumisigla dahil dito. Tanda ito ng tiwala ng mga dayuhang negosyante sa bansa. Well, maraming dagok na rin ang inabot ng administrasyon ni P-Noy gaya ng Manila hostage crisis at ang eksposey ni Archbishop Oscar Cruz sa involvement umano ng ilang matataas na opisyal sa jueteng. Pero di dapat madiskaril ang determinasyon ni P-Noy sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa.

Kung nananagumpay man ngayon ang Subic Freeport bilang pandaigdig na daungan, dapat bigyang kredito ang mga pribadong cargo handlers na nagbubuhos ng malaking halaga para sa mga modernong pasilidad na siya namang umaakit sa mga dayuhang negosyante.

Ayon sa Amerasia International Terminal Services, Inc., malaki ang tiwala ng kompanya sa potensyal ng Subic kung kaya’t sa loob ng dalawampung taon nito sa Freeport ay malaking puhunan na ang naibuhos nito sa modernisasyon    ng mga pasilidad nito. Ayon kay Mario Lorenzo Yapjoco, Pa­ngulo ng AITSI, umaabot na sa P115 milyon ang nailagak ng kompanya sa Subic sa nakalipas lamang na sampung taon.

Ang AITSI ay isa lamang sa mga cargo handlers sa Subis. Naririyan din ang Mega Subic Terminal Services at Subic Seaport Terminal just to name a few. Lahat ng mga ito si-yempre ay may kontrobusyon sa paglago ng Subic bilang Freeport. Sa loob ng 15-taon ang AITSI ay nakapagbayad sa Subic Bay Metropolitan Authority ng P400 milyon para sa iba’t ibang fees na nauukol sa cargo handling. Ito’y nagagawa rin ng ibang cargo handlers na nagpapatunay sa potensyal ng Subic bilang business hub.

vuukle comment

AMERASIA INTERNATIONAL TERMINAL SERVICES

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

AYON

MARIO LORENZO YAPJOCO

MEGA SUBIC TERMINAL SERVICES

P-NOY

SUBIC

SUBIC FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with