^

PSN Opinyon

Mayor 'Walang Alam'

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

WALANG pinagkaiba sina Parañaque City Mayor Florencio Bernabe at Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian kay Pasay City Mayor Tony Calixto. Iisa ang gimik nila para magkamal ng pitsa. Si Calixto ay winalis ang pasugalan sa kanyang siyudad hindi para alisin ang taguring “Sin City” kundi para bigyan daan ang pagpasok ng saklaan ni Aging Lisan at mga negosyo nina Frankie Joe at Eddie Boy Villanueva. Ganundin kasi ang estilo nina Bernabe at Gatchalian. Kaya sa darating na mga araw, ’wag kayong magtaka kung iba na ang financiers ng pasugalan sa siyudad nina Bernabe at Gatchalian. Mukhang abot-langit ang ipinangakong pitsa kina Bernabe at Gatchalian at hindi na sila nagpatumpik-tumpik para desisyunan na walisin ang dating financiers sa kanilang lugar. At mukhang umaayon kina Bernabe at Gatchalian ang panahon dahil sa panibagong imbestigasyon ng Senado sa jueteng. Kaya kung mag­sara man ang jueteng sa Paranaque at Valenzuela, puwedeng dahilan nina Bernabe at Gatchalian ang paghigpit ng PNP sa jueteng. Kaya tahimik na papasok ang bagong sugal sa lugar nila.

Kahit magsara ang jueteng sa Parañaque, hindi ito iindahin nina Bernabe at Sr. Supt. Alfredo Valdez dahil putok na putok naman ang video karera roon. Ayon sa mga kausap ko halos 100 piraso ng video karera ang nagkalat sa ngayon sa Parañaque kaya tiba-tiba ang bulsa nina Valdez at Bernabe. Hindi maipagkaila nina Bernabe at Valdez ang laganap na video karera operation sa Parañaque dahil ang RPIOU ng NCRPO ay nakakumpiska na ng 17 piraso nitong nagdaang mga araw. At habang abala ang pulisya sa kampanya laban sa jueteng, abala rin sina Eddie Boy Villanueva at Frankie Joe na isulong ang negosyo nilang jai-alai sa Parañaque, di ba Mayor Bernabe Sir? Ang ipinagmamalaki pa nina Eddie Boy at Frankie Joe, wala nang matitirang pasugalan sa siyudad ni Bernabe kundi ang jai-alai lang nila. Kung ang sistema nina Eddie Boy at Frankie Joe ang umiiral sa ngayon sa Parañaque hindi nalalayo na ganito rin ang mangyayari sa Valenzuela. Lumilitaw talaga na hindi gagana ang mga illegal na sugal sa isang lugar kung walang basbas ng mga local officials. Kaya dapat gisahin sa Senado sina Calixto, Bernabe at Gatchalian sa role nila sa pasugalan sa kanilang mga siyudad.

Samantala, nasagap ko na ang negosyanteng si George del Rosario ay may mga bodyguard at dalawang motorcycle escort sa pag-iikot nya sa Pasay. Di ba bawal ‘yan, PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo?

Si Del Rosario ang nasa likod ng pagkalat ng TV na Panasonic sa bansa. Di ba sarado na ang Panasonic sa Japan? Habang si Calixto naman ang palaging sagot sa mga tanong ay “Wala akong alam dyan”. Kaya ang tawag kay Calixto ngayon ay Mayor “Walang Alam.” Abangan!

BERNABE

CALIXTO

EDDIE BOY

EDDIE BOY VILLANUEVA

FRANKIE JOE

GATCHALIAN

KAYA

NINA

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with