^

PSN Opinyon

FEULAA 52th anniversary at Grand Alumni Homecoming

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MASIADO pang maaga pero pinaaalam ni Atty. Biyong Garing, pangulo ng FEU Law Alumni Association, sa lahat ng kanyang mga kaalyado sa FEULAA na sa Nov.19, 2010 (Friday), ay gaganapin ang ika - 52th anniversary at grand alumni homecoming nila sa Centennial Hall, Manila Hotel.

Kaya naman for further information tungkol dito huwag mag-atubilin na tawagan si Mr. President sa 861-11-25 o 534-1754.

Ano pa ang hinihintay ninyo tawag na para sa reservation.

Mga sindikato namamayagpag muli sa Customs

MULING naglabasan sa mga lungga ang mga sindikato sa Bureau of Customs matapos magbigay ng basbas ang mga kamoteng customs officials sa iba’t-ibang puerto sa Philippines my Philippines na ipag­patuloy ang kanilang smuggling activities.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang J. Tolentino, ang bumabandera ngayon sa Port of Manila at Manila International Container Port dahil sa mga pagpupuslit nito ng mga electornics shipment matapos mapag-alaman katiting lang ang binabayaran buwis sa gobierno ni P. Noy.

Bakit?

May mga kakutsaba itong mga kamoteng customs official na tumutulong dito para dayain ang gobierno.

Ika nga, misdeclared at undervalue ang shipment ng isang J. Tolentino!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mga cell phones, lcd television, mga car accessories echetera ang ipinupuslit ni J. Tolentino sa dalawang nasabing puerto.

Bida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang isa o dalawang beses nahuli ang mga palusot na epektos ni J. Tolentino kundi marami na rin beses kaya lang up to now ay walang aksyon ang bureau kaya naman ang kamote ay patuloy sa kanyang illegal business.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat suspindihin ang mga brokerage at kailangan ilagay sa talaan ng watchlist ng mga smugglers ang mga brokerage na ginagamit ni J. Tolentino.

Aktibo rin ang mga smuggler ng mga ‘plastic raisins’ sa Philippines my Philippines na ibinabagsak naman sa SBMA ang modus operandi ay ‘transhipment’ cargoes daw ang mga ito.

Sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi titigil ang smuggling activities sa Philippines my Philippines porke may isang grupo ng mga matatalinong kurap na empleado ng Customs ang nagpapabayad sa mga smuggler na sinasampahan ng kaso sa bureau.

Ang grupong ito ay puro abogago este mali abogado pala at nagre-renta ng isang ‘flushy luxury condo’ na gina­gawa nilang office sa kanilang mga smuggler na kliente.

Karamihan sa mga tinatanggap nilang kliente ay may mga smuggling cases na isinampa ng bureau laban sa mga ito.

Sabi nga, ito ang kailangan bigyan ng aksyon ni BOC Commissioner Boyet Alvarez.

Abangan.

BIYONG GARING

BUREAU OF CUSTOMS

CENTENNIAL HALL

COMMISSIONER BOYET ALVAREZ

LAW ALUMNI ASSOCIATION

MANILA HOTEL

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

MR. PRESIDENT

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with